NAGPAKITA ng tikas ang Laguna Heroes sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online tournament pagkaraang magrehistro ng dalawang sunod na panalo sa Northern division na virtually na ginanap sa Chess.com Platform nung Sabado.
Galing sa impresibong panalo sa San Juan Predators at sa Olongapo Rainbow Team 7 ay naidiretso ng Heroes ang kanilang ‘winning moves’ nang gibain nila ang Manila Indios Bravos, 12-9, at ang Isabela Knight of Alexander, 15-6.
“Halos lahat ng team ay nag-imprub ngayong season. Inaasahan na magkakaroon ng mahihirap na laban ang Laguna Heroes. Pero masaya kami sa naging panalo ng team laban sa Manila at Isabela,” sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez ng Jolly Smile Dental Clinic na isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO at Greatech Philippines, Inc., Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice Foods at Engr. Antonio Balinas ng AC Balinas Construction and Steel Works.
Malakas na sinimulan ng Laguna ang kanilang kampanya laban sa Manila nang iposte ang 6-1 na tagumpay sa Blitz category.
Nakaresbak ang Manila sa rapid event nang magwagi sina Taher, Imperial at Goloran at tabla kina Andador at Mirano 8-6.