Zeke Polina hinangaan husay sa Dating Alys Perez
MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI ine-expect ng isa sa lead actor ng hit Viva One series na Dating Alys Perezna si Zeke Polina na magiging maganda at positibo ang mga review at comments ng kanyang participation sa serye.
Unang ginampanan ni Dylan Menor ang role na natoka ngayon kay Zeke. At dahil tunay nga namang magaling itong umarte at nagampanan ng buong husay ang chacter na ginagampanan niya ay paghanga ang naging sukli rito ng mga nanonood ng Dating Alys Perez.
Ayon nga kay Zeke, “Hindi ko rin ini-expect, it’s such a blessing na marami ring positive comments and reviews.”
Dagdag pa nito, “Definitely it pushes me to try my best…. I’m trying my best since day one pero it keeps me going,
“And it’s something na ‘di ko ini-expect kaya mas pagbubutihin ko pa.”
Alam ni Zeke na malaki ang pressure na kanyang naramdaman nang humalili sa role na ginampanan ni Dylan.
“Yes definitely there’s a lot of pressure, but as the time goes by, you learn to adopt.
“But eventually mawawala rin naman ‘yung pressure. Pero I realized na, you know na mas focus on the craft more instead of focusing on pressure.”
Kasama ni Zeke ang isa sa Viva One Hottest Loveteam na sina Rabin Angeles at Angela Muji, sa direksion ni Crisanto B. Aquino at mapapanood na si Viva One.