Wednesday , November 13 2024
Rolly Romero Tank Davis

Rolly Romero humihirit ng rematch kay Tank Davis

SINABI ni Rolando ‘Rolly’ Romero (14-1, 12 KOs) na hihirit siya ng rematch kay WBA lightweight champion Gervonta ‘Tank’ Davis pagkaraang matalo siya via sixth-round knockout nung nakaraang linggo ng gabi sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

Humihingi ng part 2 ng laban si Romero dahil lamang na lamang siya sa bakbakan  sa naunang five rounds bago dumating ang isang kaliwa sa 6th round na tumapos ng laban.   At isa pang inaangal niya ay nang bumangon siya para ipagpatuloy ang laban ay sumenyas si referee David Fields na dapat nang itigil ang laban dahil obvious na nangangalog pa  ang kanyang tuhod.  

Base sa lumalabas na pahayag ni Tank sa social media, wala siyang balak na bigyan ng rematch si Rolly dahil  may sinisipat itong malaking laban.

Sa post fight interview, sinabi ni Rolly na kanya ang naunang limang rounds pero nagawang makalusot ang kaliwa ni Tank sa 6th round na tumapos ng laban.  Sinabi niyang tsamba lang ang suntok na iyon ni Davis.

“I knew he was strong after the first punch that he threw,” sabi ni  Tank Davis sa  post-fight press conference tungkol kay Rolly.

Pahayag pa ni Tank na nagkaroon siya ng problema na makawala sa kasagsagan ng laban dahil sa  patuloy na atake ni Rolly.  Pero nang magkaroon ng pagkakataon ay pinawalan niya ang pamatay na suntok.

 “I got caught with a good shot, that’s all,” sabi ni  Rolly sa  post-fight press conference. “I won’t jump into a shot like that again. I had him running like a b**** the entire fight.

“Like I said, he got a nice shot in, that’s all that happened. He got caught multiple times, he ran around, and was terrified of me, and I doubt he’ll do the rematch again,” pahayag ni Rolly na halatang desmayado sa pagtanggi ni Tank sa rematch.

About hataw tabloid

Check Also

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …