Wednesday , July 6 2022
Asian Poker Championship 2022

P20-M nakataya sa Asian Poker Championship

NAKATAYA ang garantisadong P20 milyon premyo sa local poker enthusiasts  at ang pagkakataon na makaharap ang ilan sa pinakamahuhusay na poker professional players sa bansa sa gaganaping Asian Poker Championship main draw sa Hunyo 6-12 sa Metro Card Club sa Metrowalk, Pasig City.

Ipinahayag ni Marc Rivera, miyembro ng organizing MCC at maituturing na  isa sa pinakamatagumpay na Pinoy poker player sa bansa, na raratsa ang  pinakahihintay na  APC tournament na bahagi ng programa para, maiangat  ang poker bilang isang mind game sports at mabigyan ng pagkakataon ang local players na makamit ang prestihiyosong karangalan at premyong tiyak na makapagpapabago ng kanilang buhay.

“We’re inviting our local poker enthusiats, those regular MCC players to join the Championship. This is your chance to further level up your skills and in the same time take the challenge of winning the million prizes,”  pahayag ni Rivera, sa kanyang pagdalo sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes via zoom.

Iginiit naman ni Mylene Advincula, MCC General Manager, na handa na ang MCC para sa malaking torneo  na tulad ng APC,  gayundin ang ipinapatupad na ‘safety and health’ protocol batay sa ipinatutupad ng local na Pamahalaan ng Pasig at ng Inter-Agency  Task Force.

“Hindi na bago para sa amin ang maging host ng malalaking international tournament na tulad nito. Our staff and personnel are all trained under all circumtances and pagdating naman sa safety ng mga players, ever since na nagbalik kami sa face-to-face talagang mahigpit kami para sa kalusugan ng mga players,” sambit ni  Advincula sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at PAGCOR.

“We do required pre-vaccinated players, aside of that safety precaution, we put up wash up area and we provided alcohol  to every players in the table. At syempre laging mas facing mask, Those were few things na ginagawa namin sa MCC,” ayon pa kay Advincula.

Inamin ni Rivera na mabigat at kailangan ang sakripisyo para maisulong ang isang torneo na tulad nito, subalit bilang isang poker player na rin, kaakibat ang lakas ng loob at tiwala na malalagpasan ang lahat ng hamon.

“We need 500 players para walang problema sa guaranteed pot prize. But kung hindi maabot, yun ang isa sa responsibilidad ng host ng grupo ni Mylene yung mag-abono,” pabirong pahayag ni Rivera.

Ngunit, dahil sa pakikipagtambalan ng APC sa Korean Mind Game Members (KMGM), sinabi ni Rivera na mahigit 200 Korean players ang inaasahang darating sa bansa para makilahok sa torneo na nakatakdang simulan sa Linggo, Hunyo 6 ganap na 6:00 ng gabi.

“Sa Korea kasi, unlike sa atin, bawal  ang cash game. Kaya ang ating mga kaibigan sa Korea ay nagbuo ng grupo at nagho-host ng mga tournament kung saan ang premyo ay tiket para makalaro sa tournament natin sa APC,” sambit ni Rivera.

Kabilang sa Pinoy poker star na tiyak na makakaharap ng Korean delegation sina APC reigning champion Noel ‘The Kid’ Araniel; dating billiard player at tinanghal na unang Pinoy na nagwagi ng WSOP barecelt na si Mike Takayama, Lester Edoc, Jojo Tech at ang iba pang miyembro ng Metro Peo team.

“We’re calling all poker players to come at Metro Club and join the tournament. Sa mga gustong pa lang matuto we offered group game and free ang tutorial, “ pahayag ni Advincula.

About hataw tabloid

Check Also

Celia H Kiram PSC Rise Up Shape UP

 ‘Laro’t Saya sa Parke’ pinalawak ng PSC

BILANG suporta ng Philippine Sports Commission’s (PSC) para i-promote at patatagin ang sports development sa …

Kai Sotto

Kai Sotto ‘di  maglalaro sa FIBA Asia Cup

KINUMPIRMA ni  Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) programa director Chot Reyes na hindi makakasama si …

Canelo Alvarez Gennadiy Golovkin

Suntok ni Canelo walang epekto kay Golovkin

NEW YORK–Maraming katangian si Canelo Alvarez pagdating sa pakikipaglaban sa ring  pero hindi naniniwala  si …

Ronald Titong Dableo Sheerie Joy Lomibao-Beltran

GM candidate Dableo lalahok  sa WFM Lomibao-Beltran Rapid Open chess tournament

NAKATUTOK ang chess aficionados   kay Grandmaster candidate at International Master Ronald Titong Dableo sa pagtulak …

Mark Magsayo

Mark Magsayo may kahinaan na dapat ayusin

NAGPAPAALALA si boxing trainer Nonito Donaire Sr.  kay  WBC world featherweight champion Mark Magsayo na …