
Ang Robinsons Place Novaliches ay magdiriwang ngayong buwan ng dalawang espesyal na okasyon: ang Philippine Independence Day sa 12 Hunyo at ang Father’s Day sa 19 Hunyo. Bilang pagpupugay sa lahat ng mga naging bayani sa ating buhay, ang FilArts, isang non-stock organization na dedikado sa pagsusulong ng sining at kultura ng Filipinas katuwwang ang Artablado para sa natatanging art exhibit na idaraos sa Robinsons Place Novaliches Atrium. Mga piling Filipino visual artists ang magpapakita ng kanilang kahusayan sa sining upang parangalan ang lahat ng mga ama at father-figures gayundin sa paggunita ng 124th Philippine Independence na sina FilArts founder and President Roy Espinosa, Franklin Caña Valencia, Julius Clar, Roy Ama, Al Vargas, McViñas, Giovanni Dela Rosa, Norman Cristobal, Krsha Mae Enobay, at Denise Valera.