Friday , May 17 2024

Ed de Leon

Model athlete, napansin nang may kumalat na scandal

KUWENTO ng isa naming source, halos wala raw pumansin sa isang model-athlete nang magpunta iyon sa premiere night ng isang pelikula sa invitation mismo ng producers niyon. Pero nang magsimulang kumalat na muli ang isang scandal niyon sa internet, aba nagkakagulo na raw ang mga bading at lahat ay gusto nang makita iyon. Noon daw kasing nakaraang panahon, may nakaloko rin sa …

Read More »

Magsyota, natakot pagkaguluhan sa Star City

NAGTAKIP pa ng mukha ang magsyota nang magpunta sa Star City. Kung sabagay baka nga naman kung hindi pagkaguluhan lang sila, eh ‘di hindi sila nag-enjoy. In fairness nagbayad sila ng ride all you can. Hindi sila kagaya ng iba na humihingi ng libre. Madalas iyang dalawang iyan doon sa Star City, kasama ang mga kaibigan nila. Pero hindi naman …

Read More »

Gabby, dapat makipag-usap, malaking gastos at demanda maiiwasan

Gabby Concepcion

NGAYON talagang iniiwasan na iyang mga demandahan na iyan kasi nga masyadong masikip na ang ating mga korte. Maraming mga kasong kriminal na dapat madesisyonan na nabibinbin dahil sa rami ng mga kasong maaari namang resolbahin sa labas ng hukuman. Kaya nga kadalasan nagkakaroon muna ng mediation hearing, na pinag-uusapan iyang mga problema na inihaharap sa korte Kung maaaring pag-usapan …

Read More »

Quinn Carrillo, artista na ang dating

SA totoo lang, ang tingin namin kay Quinn Carrillo ng Belladonas noong isang gabi, hindi na talaga singer kundi isang artista. Ewan kung ano nga ba ang pagbabago, ang sinasabi ng ermat niya at manager na si Len Carillo, siguro ay dahil nakapagbawas siya ng timbang. Pero ang palagay namin, iyong ayos ng kanyang buhok at make-up ang medyo naiba. Bumagay iyon sa kanya, …

Read More »

Pagiging ‘Nene’ ni aktor, ‘di na maitago

TALAGANG ayaw tumigil ng male star na “nene” kahit na mahal na araw na. Talaga raw ladlad na ladlad na iyon sa isang resort na ang description pa ngang ginawa ng isang nakakita sa kanya ay “umaandalarika”. Pero hindi naman niya inaamin na bading siya. Pilit namang ibinubuko nila ang male star na “nene”. Inilalabas pa nila ang kanyang video calls na …

Read More »

Kathryn, ‘di napigilang maglambitin kay Daniel (Sa sobrang pagka-miss sa aktor)

HINDI lang nabigla, talagang hindi napigilan ni Kathryn Bernardo ang maglambitin kay Daniel Padilla nang sorpresahin siyang dalawin Nixon sa Hongkong. Hindi niya inaasahan iyon dahil hindi naman kasali si Daniel sa pelikulang ginagawa niya, at alam niya busy iyon. Humingi nga ng leave si Daniel sa ABS-CBN dahil tumutulong siya sa kampanya ng tatay niyang si Rommel Padilla sa Nueva Ecija. Iisipin ba ni Kathryn na madadalaw …

Read More »

Coco at Yassi, naglamyerda sa Japan

KUMAKALAT din naman sa social media ang pamamasyal ng magkatambal sa seryeng sina Coco Martin at Yassi Pressman sa Japan. Parang maliwanag lang sa lahat, naroroon ang dalawang stars dahil sa isang promo show ng ABS-CBN, at siguro nga sinabayan na rin nila ng bakasyon kasama ang mga miyembro ng kanilang pamilya, tutal naroroon na rin sila. Alam ninyo iyang mga artistang may ginagawang serye, aba …

Read More »

Komedyante, ‘di na kumikita ang pelikula

blind item woman

AWANG-AWA kami sa isang medyo laos nang komedyante. Noong araw, lahat ng pelikula niyan kahit na walang kuwenta, kumikita. Ngayon kahit na sinasabing may kuwenta na ang pelikula niya, walang nanonood. Iyan ang masasabing biktima ng over exposure. Noong panahon ng kasikatan niya, sige siya nang gawa ng gawa ng kung ano-ano. Hindi niya inisip na pagsasawaan siya ng mga tao …

Read More »

John Lloyd, balik-Cebu; ‘di showbiz

MATAPOS na ma-excite ang fans ni John Lloyd Cruz sa sinasabing pagbabalik showbiz niya, aba bigla na naman siyang nawala at ang kasunod ay nalamang nagbalik na naman pala siya sa Cebu, kasama ang kanyang anak at ang girlfriend na si Ellen Adarna. Nakunan pa sila ng picture sa isang sementeryo sa Cebu, at mukhang dumalaw daw sa libingan ng tatay ni Ellen doon. …

Read More »

Male model, ‘dumaan’ kay movie writer, event organizer

blind mystery man

“KILALA naming iyan noon  pa. Naging boyfriend  iyan noon ng isang bading na movie writer na namatay na rin. Iyang batang iyan, talagang gagawin kahit na ano sumikat lang, at magkapera. At saka sa totoo lang, hindi na bata iyan. Mahigit 30 na iyan” sabi ng isang event organizer tungkol sa isang male model na naging controversial lately. “Marami na …

Read More »

Maine Mendoza, inspiring women ‘di lang kay Arjo

ArDub Maine Mendoza Arjo Atayde

SI Maine Mendoza ay pinarangalan bilang “one of the most inspiring women,” kasabay ng pagdiriwang ng 60th anniversary ng Barbie doll. Ang parangal ay ibinigay kay Maine ng Mattel, ang gumagawa ng legendary Barbie doll, na naging pangunahing laruan ng mga batang babae sa loob ng 60 taon na. Wala yatang batang babae na hindi nagkaroon, o nag-ambisyong magkaroon ng Barbie. Hanggang ngayon uso pa …

Read More »

Arci, guwapong-guwapo na kay JM, UP days pa

PURO tawanan ang lahat noong media launch niyong pelikulang Last Fool Show. Kasi nga nasimulan ang kuwentuhan sa simula ng pagkikilala nina JM de Guzman at Arci Munoz. Nagkakilala pala sila noong 2005 pa. Sinasabi ni Arci na 15 lang siya noon, 16 naman si Jm. Aminado rin naman si Arci, Tita Maricris, na noon pa man ay pansin na nilang pogi ang apo ni Mang Cune, pero hindi …

Read More »

Sikat na aktres, napabayaan ang sarili

HALATA na rin ngayon sa kanyang serye sa telebisyon na hindi na kasing sexy at kasing ganda nang dati ang isang sikat na aktres. Siguro kung kagaya pa rin siya ng dati, mas malakas ang naging sipa sa ratings ng serye niya, kaso hindi na nga siya ganoon ka-sexy. Ano kaya ang dahilan at tila napabayaan na ng aktres ang kanyang …

Read More »

Angel, tapos na sa paggawa ng super hero character

SI Angel Locsin ang choice ng isang gumawa ng super hero anime na lumabas sa character na kanyang nilikha kung iyon ay isasalin na sa telebisyon o sa pelikula. Siguro noong panahong ginagawa niya ang character, si Angel na ang nasa isip niya, o hinubog niya ang character base sa alam niyang personalidad ni Angel. Natuwa naman si Angel sa …

Read More »

Sunshine, inalmahan, pakikialam ng netizens

BAKIT naman kasi pati ang relasyon ni Sunshine Dizon sa kanyang asawa pinakikialaman ng mga tao eh. Hindi mo masisisi si Sunshine kung mainis at sabihin na lang na “wala kayong pakialam.”  May mga anak silang dalawa, natural lang na isipin nilang hindi man sila magkasundo, hindi man sila magsama, iba ang problema nila kaysa mga anak nila. Hindi dapat …

Read More »

Kilig ng AlDub, wala na

“NAKU plastic,”  ang comment ng isa naming kaibigan, na undoubtedly ay isang AlDub fan, habang pinanonood namin iyong sitcom nina  Vic Sotto at Maine Mendoza noong isang gabi, na guest din si Alden Richards. Ginawa naman nila lahat sa sitcom kung ano ang dating ginagawa nila roon sa kanilang kalye serye, pero kung noon tumitili iyong mga nanonood, ngayon nga ang narinig pa naming comment ay …

Read More »

Huling halakhak ni Chokoleit, naganap sa Abra

PARA ngang sinadya, akalain ba naman ninyong may nakaisip sa kanyang mga kasama sa show na kunan ng video ang unang bahagi ng kanyang performance sa Abra, na sinasabi nga nilang parang may pangitain na ang komedyanteng si Chokoleit sa mangyayari sa kanya pagkatapos ng kanyang performance. Sino nga ba ang magsasabing iyon na ang huling halakhak ni Chokoleit? Habang nagpe-perform …

Read More »

Female star, nagwala; BF, kasama ni gay millionaire

NA-SHOCK ang isang female star nang may magpakita sa kanya ng pictures ng kanyang boyfriend na kuha sa abroad, at kasama sa picture ang isang gay millionaire. Wala namang balita na ang boyfriend niya ay “suma-sideline,” pero bakit nga ba kasama niya sa abroad ang rich gay, at bakit hindi niya nasabi sa kanyang girlfriend ang lakad niyang iyon. Ang alam ng girlfriend …

Read More »

Eerie, nai-market nang tama sa international; idi-distribute pa sa US at Europe

AT saka na natin pag-usapan ang artistry ng pelikulang Eerie. Gusto ko munang talakayin ang kanilang kakaibang marketing strategy sa kanilang pelikula. Dahil ang pelikula ay horror, magagaling ang mga artistang sina Bea Alonzo at Charo Santos na pareho rin namang may malakas na following, at ginastusan naman talaga ang pagkakagawa ng pelikula, tiyak iyon may maaari na silang asahan sa takilya oras na iyan …

Read More »

Clique V at Belladonnas, pinuno ang Skydome

TUWANG-TUWA naman si Lyka, dahil napuno ang Skydome sa This Is Me Concert ng kanyang mga alagang Clique V at Belladonnas. Hindi nga nila natantiya eh, kaya may mga tao pang gustong manood na hindi na nakapasok dahil wala nang tickets at wala na ring mauupuan sa loob. Siguro kung natantiya lamang iyon, maaari pa silang magkaroon ng another day, o baka isang matinee show para …

Read More »

Gay businessman, bantay-sarado si brand endorser sa female tv host

NAALARMA ang isang gay businessman nang makahalata siyang ang isa sa kanyang brand endorsers ay nilalandi ng isang female tv host. Natural maalarma siya, dahil kung masisira ang image ng kanyang endorser, pati ang mga produkto niya ay madadamay. Talaga raw binantayan ng businessman ang endorser at sinabihan talagang layuan ang haliparot na female tv host. Eh iyang female tv host na iyan, mayroon naman …

Read More »

Aktres, pinandidirihan ng male model

BIRTHDAY daw noon ng isang may pangalang male model, nang makatanggap siya ng message mula sa isang female star, kasama ang isang mamahaling regalo na nagsasabing “hoping to be with you again.” Parang diring-diri raw ang male model, iniabot na lang ang regalo sa isa niyang kaibigan at ipinamigay iyon. Mukhang nagkaroon siya ng karanasan sa female star na ayaw …

Read More »

Yul, tanging ang ambisyon ay pagsilbihan ang mga ka-distrito

“SIGURO po sa loob ng isang buwan, minsan umaabot sa 800 burol ng patay ang napupuntahan ko,” pagkukuwento ni Congressman Yul Servo. At hindi niya ginagawa lang iyan kung panahon ng kampanya, talagang ginagawa niya iyan lagi. May mga panahong araw-araw talaga pagdating ng gabi inilalaan na niya ang oras sa pagbibigay ng oras sa pakikiramay. “Noong una nga po naiilang …

Read More »

Gretchen, nagpa-dinner sa mga kaibigan

BAKIT naman binibigyan ng masamang kulay iyong sinasabing nagbigay ng isang thanksgiving dinner si Gretchen Barretto dahil sa pagkaka-dismiss ng piskalya sa kaso ni Nicko Falcis? Wala naman si Falcis sa nasabing dinner. Inaamin naman nila na hindi sila magkakilala. Minsan nga lang nakakapag-react si Gretchen dahil sa palagay niya may nakikita siyang mali. Sa palagay niya ang nagiging api ay iyong napagbibintangan …

Read More »