Friday , June 5 2026

Angel Locsin, napakalaking responsibilidad ang gustong yakapin

NAGUGULAT kami dahil bakit si Angel Locsin ang nananawagan para sa extension ng franchise ng ABS-CBN, ganoong ang stand ng network ay “lumaban”. Mas lalong nakagugulat ang sinabi ni Angel na nakahanda rin naman siyang makinig sa mga taong may sama ng loob sa network. Inamin din niya na siguro nga nagkaroon din ng pagkakamali ang network at dapat iyong ituwid, at handa nga siyang makinig sa mga may reklamo. Pero bakit si Angel ang makikinig sa mga reklamo? Gaano ba kalaki ang sosyo niya sa ABS-CBN?

Totoo namang may sosyo siya sa network, dahil inaamin naman nilang bumili sila ng shares of stocks nang alukin ng network, pero gaano ba kalaki ang kanyang share para masabing kung sakali pakikinggan ng mga majority shareholders kung ano man ang kanyang sasabihin later on?

Hindi ba masyadong napakalaking responsibilidad iyang gustong yakapin ni Angel?

Ngayon may lumalabas pa ring panibagong problema. Kung magpapatuloy na sarado ang ABS-CBN, at hindi niyon kikitain ang karaniwang kitang mga P30-M sa araw-araw, baka maapektuhan ang pagbabayad niyon ng kanilang mga utang.

Ang pautang pala ng mga Aboitiz sa ABS-CBN sa pamamagitan ng Union Bank of the Philippines ay umaabot sa P11.4-B, samantalang ang BPI ng mga Ayala ay may pautang ding P10.1-B sa network. Posibleng maapektuhan pati ang status ng dalawang banko kung hindi makababayad ang ABS-CBN, kaya nga hinihimok naman nila ang gobyerno na payagan iyong makapag-operate.

Iyon namang franchise ay wala pa ring direksiyon sa mababang kapulungan ng Kongreso. Sa Senado naman pumirma ng isang resolusyon ang mga senador sa oposisyon na payagan ang ABS-CBN hanggang 2022. Ibig sabihin, hindi pa rin iyan franchise kundi extension ng kanilang napasong franchise. Ibig sabihin hostage pa rin ang ABS-CBN.

 

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …