Saturday , July 27 2024

Ed de Leon

Lamay ni Kuya Germs, pinakamalaking pagtitipon ng mga star

NGAYON, masasabi nga nating wala na si Kuya Germs. Naihatid na nga siya sa huling hantungan. Pero nakatutuwang isipin na simula noong unang gabi ng lamay para sa kanya, dinagsa na iyon ng napakaraming tao. Dumating ang lahat halos ng mga artista, in fact sinasabi nga namin na ang wake ni Kuya Germs ang pinakamalaki na sigurong gathering of stars. …

Read More »

Cycling, sikreto ni Dennis sa kaguwapuhan

ANG sinasabi nila tungkol kay Dennis Trillo, para raw hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang hitsura. Mukhang bata pa rin siya. Natawag niya ang atensiyon ng lahat nang pumasok siya sa press conference ng pelikula niyang Lakbay2Love, kasi nga para raw siyang hindi nagbabago. Pero sinabi ni Dennis kung ano ang kanyang sikreto. Cycling pala. Nagsimula raw siya …

Read More »

Kuya Germs, mahirap palitan!

TUWING magkikita kami ni Kuya Germs Moreno noong panahong nabubuhay pa siya, mayroon siyang isang standard question, “ano ang balita?” Nakikibalita rin kasi siya kung ano man ang pinag-uusapan dahil kailangan din naman niyang magbalita sa kanyang radio program at sa ilang columns na kanyang sinusulatan din. Pero ngayon kung tatanungin kami kung ano ang balita, siguro sasabihin naming walang …

Read More »

Imbestigasyong gagawin ng Kamara sa MMFF, baka mauwi rin sa wala (Top grosser sa MMFF, pinagtatalunan pa rin)

PALAGAY namin, napa-panahon nga iyang gagawing congressional hearing tungkol sa Metro Manila Film Festival. Natatakot lang kami na baka wala ring mangyari sa kanilang imbestigasyon. Una, ilang araw na lang ang natitira sa termino ng mga congressmen na iyan. Baka nga hanggang imbestigasyon lang iyang mga iyan eh. Ni hindi na makagagawa iyan ng committee reports sa kanilang nakita. Nangyari …

Read More »

Ogie, talent na lang at ‘di na executive sa TV5

WELCOME naman kay Ogie Alcasid ang partnership ng TV5 at ng Viva Entertainment ngayon. Sa ilalim ng agreement, ang Viva na pinamumunuan ni Vic del Rosario ang siya nang hahawak ng mga entertainment programs ng TV5. Kung natatandaan ninyo, sinasabing noon ay lumipat si Ogie sa TV5 hindi lang bilang talent kundi bilang executive rin. Maliwanag ngayon na wala na …

Read More »

Parameters sa kinita ng mga entry sa MMFF, ‘di malinaw

PINANGHAHAWAKAN ng fans ng AlDub ang sinasabi ng MMDA kung magkano ang kinita ng film festival at naniniwala silang ang pelikula ng kanilang mga idol ang siyang top grosser. Pinaniniwalaan din naman ng mga fan ni Vice Ganda at niyong JaDine na ang gross reports na inihaharap nila sa publiko ang mas up to date, at sila na nga ang …

Read More »

Female model, very proud sa asawang pahada

BAGONG taon na, pero hindi namin maiwasan ang blind items. Kuwento ng isa naming source, awang-awa daw siya sa isang female model, na very proud sa kanyang naging asawang actor-model din. Katunayan lahat daw ng galaw nila, lahat ng activity nilang mag-asawa may mga picture at inilalabas ng babae sa kanyang social media account. Ang tanong ng aming source, maging …

Read More »

Madir, ‘di feel ang BF ni sexy actress na walang trabaho

HINDI pala feel ng madir ng isang sexy actress ang kanyang mamanuganin. Ang feeling kasi ng madir ay dehado ang kanyang anak dahil wala naman talagang work ang dyowa ng anak niya. Hindi stable ang trabaho nito kaya worried siya kung paano nito bubuhayin ang kanyang pamilya. May baby na si sexy actress at kasal na lang ang kulang sa …

Read More »

Mother Lily, ‘di pa kumukupas ang pagiging star builder

NATAPOS na rin ang sampung araw na Metro Manila Film Festival at sa aminin man natin o hindi, nagsalita na ang publiko. Hindi nila hinahabol iyong magagandang pelikula. Gusto nila iyong mae-entertain lamang sila. Bagamat mapapansin mo na tumaas ang kita niyong Walang Forver matapos na manalo ng awards ang mga bidang sina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales, mas malaki …

Read More »

Ticket switching at top grosser, usapin na sa pagsisimula ng festival

SIMULA pa lang ng festival magulo na. Naroon iyong usapan tungkol sa “ticket switching”. Bukod doon, aba eh talagang nagpaparamihan ng press release sa social media ang dalawang pelikulang parehong nagsasabi na sila ang top grosser. Iba ang report nila sa social media na sila-sila rin ang naglalabas kaysa mga lumabas na report mula sa lehitimong media. Lahat ng iyan …

Read More »

Honor Thy Father, Best Picture by default (41st MMFF, pinakakontrobersiyal na festival)

MAAALALA itong 41st Metro Manila Film Festival bilang pinaka-kontrobersiyal na festival ever dahil punompuno iyan ng controversy. Ang pinakamalaking dagok, isang araw bago ang awards night, at kung kailan holiday na, walang opisina ang MMDA at hindi na sila maaaring umapela, dinisqualify ng MMDA ang pinakamatinong pelikula sa festival, iyong Honor Thy Father sa Best Picture award. Ang dahilan ng …

Read More »

Beauty and the Bestie, tumindi dahil sa pagsasama nina Vice & Coco

PAREHONG sinasabing nakababatak ng ratings ng kani-kanilang mga TV show sina Coco Martin at Vice Ganda. Sila iyong mga top star talaga ng telebisyon sa ngayon. Pareho rin naman silang may magandang track record sa kanilang mga pelikula. Kaya marami ang naniniwala na ang pagsasama nilang dalawa sa Beauty and the Bestie ay magiging matindi talaga sa takilya. Hindi rin …

Read More »

Kita muna bago ang artistic value sa MMFF

Ganyan naman ang mga pelikula kung MMFF. Ang unang consideration lagi ng mga gumagawa ng pelikula ay iyong kumita sila. Iyang festival na iyan ay sinasabi ngang nasa pinakamalakas na playdate sa buong isang taon. Noong araw pinag-aagawan ang playdate na iyan ng lahat ng mga pelikula, hanggang sa inilagay nga ang festival sa ganyang panahon para matulungan ang industriya …

Read More »

Honor Thy Father ni John Lloyd, posibleng humakot ng awards

NAKITA namin iyong trailer ng Honor Thy Father na pelikula ni John Lloyd Cruz. Tungkol pala iyon sa isang financial scam, na ang background din ng kuwento ay iyong tungkol sa pagiging miyembro ng mga main character sa isang sektang protestante. Base sa trailer na aming nakita, mukhang maganda ang pagkakagawa ng pelikula. Base naman sa mga review na nabasa …

Read More »

Echo, best choice sa Walang Forever

SINUGOD namin ang matinding traffic noong isang araw, gusto kasi naming malaman kung ano ang reaksiyon ng mga tao kay Jericho Rosales na siyang pumalit sa ibang actor sa pelikulang Walang Forever. Nagkaroon nga kasi ng kaunting problema ang dapat sana ay bida roon, at hindi naman mahihintay ng production na magpagaling siya, dahil naghahabol din sila ng playdate. Kasali …

Read More »

Regal, top money maker ng horror film

NOONG kumanta si Janella Salvador sa press conference ng pelikula niyang Haunted Mansion, lahat talaga ay tumahimik at nakinig. Mahusay pala talagang kumanta ang batang iyan. Aba eh may pinagmanahan naman. Ang nanay ng batang iyan ay ang Miss Saigon veteran na si Jenine Desiderio. Ang tatay naman niyan ay si Juan Miguel Salvador. Puwede nga bang hindi magaling na …

Read More »

OPM songs ni Sarah, hit sa From The Top concert

MAY isang bagay na napatunayan si Sarah Geronimo sa kanyang dalawang araw na concert. Puwede palang gawin din ng mga singer na Filipino ang ginagawa ng kanilang mga foreign counterpart sa isang concert. Maaaring ang kantahin nila ay ang kanila mismong hit songs. Karaniwan kasi sa mga concert artist natin, kakanta lamang ng ilang hit songs nila at bubuuin ang …

Read More »

Derrick, nakatatanggap ng mga indecent proposal

INAMIN ng alaga ng aming kaibigang si Manny Vallester, na si Derrick Monasterio na totoong nakatanggap na rin siya ng “indecent proposal”, sa madaling salita alok na makipag-sex, at ang iniaalok daw sa kanya ay napakalaking halaga. Hindi raw bading ang nag-alok sa kanya niyon kundi isang mayaman at kilalang matrona. Pero aminado siya na hindi naman niya nakaharap mismo …

Read More »

Si Jake po talaga ang tatay kaya lang takot kami kay Erap — Andi

ANG totoo, kami ang nalito sa mga narinig naming statements ni Andi Eigenmann kung sino talaga ang tatay ng kanyang anak. Hindi lumipas ang isang araw, dalawang conflicting statements ang narinig namin. Doon sa kanyang interview sa press conference niyong Angela Markado, maliwanag na sinabi niyang hindi kailangan ng DNA testing, at hindi naman niya sinasabing ang biological father ng …

Read More »

Tetay, mapagpatol sa basher; Imee Marcos, deadma lang!

SIGURO nga sinasabi ng iba na tama ang ginagawa ni Kris Aquino na sinasagot niya ang lahat ng mga kritisismo laban sa kanya sa social media. Siguro nga may mga taong sanay sa showbiz na ang gusto o masasabing natural na sa kanila iyong ganoong may nagbabakbakan. Pero kung mangingibabaw nga ang protocol, o masasabing proper decorum, ang dapat sana …

Read More »

Polo, parang nagsisimula pa lang ang career

PAGKATAPOS ng press conference nila niyong Angela Markado ay nakausap pa namin ang isa sa mga actor na gumanap din bilang rapist ni Angela, si Polo Ravales. Inamin ni Polo na malaking bagay para sa kanya ang pelikulang iyan. Iyong huli raw niyang pelikula ay isa lamang indie na ginawa niya noong nakaraang taon pa. Iyong huli niyang mainstream movie …

Read More »

Angela Markado movie, brutal dahil bayolente

SA pagkakataong ito, si direk Carlo J. Caparas mismo ang gagawa ng remake ng kanyang kuwentong Angela Markado, na naisapelikula na rin naman noong araw sa direksiyon ni Lino Brocka. Pero sinasabi nga ni direk Carlo, ang pelikula ni Brocka ay umani ng awards dito sa Pilipinas at maging sa abroad, pero ang nakikita naman niyang advantage, dahil siya ang …

Read More »

Aktor, napahamak dahil sa paglipat-lipat ng manager

THERE is no denying, ”na-APEC-tuhan” din ang aming schedule, kaya nga nagkaroon naman kami ng panahon na tumambay sa isang coffee shop, kasama ang iba pang movie writers, at siyempre matindi ang naging kuwentuhan. Napag-usapan ang “humble beginnings” ng isang male star. Kung kani-kanino pala talaga lumapit iyan noong araw. Narinig naming inilapit daw iyan ng tatay yata niya noon …

Read More »

Pag-eendoso ni Daniel ng politiko, nakaaapekto na sa career

MUKHANG hindi nga yata naging maganda ang epekto kay Daniel Padilla ng kanyang mga ginagawang political endorsements. Hindi naman siguro masasabing matindi na talaga ang epekto, dahil na-maintain naman niya ang ratings ng kanyang serye sa isang isinagawang nationwide survey, pero isang katotohanan na sa Metro Manila survey, nalamangan iyon ng one percent lang namang audience share ng kanilang rival …

Read More »