Wednesday , October 5 2022

Career ni Daniel, Ini-Level-Up (Karisma, ‘di na pang-masa lang)

MUKHANG nagle-level up na naman si Daniel Padilla. Lumalabas siya ngayon sa mga cover ng mga glossy magazine na alam naman nating ang target audience ay hindi masa kundi iyong A-B crowd na tinatawag. Ibig sabihin naniniwala rin sila na si Daniel ay may batak kahit na sa A-B audience, dahil kung hindi bakit nila gagamitin ang aktor sa cover ng mga magazine na iyon?

May isa pang advantage na nakikita kay Daniel lately. Napapansin ng mga kritiko ang pag-level up din ng kanyang acting. Habang ang mga kasabayan niya ay hindi pa nakaka-graduate sa pagpapa-cute, si Daniel mukhang napupuna na ang abilidad sa pag-arte. Magandang feedback iyan.

In fact doon sa huli niyang pelikula, hindi na pinag-uusapan kung gaano siya ka-cute, o kung gaano sila ka-sweet ng kanyang ka-love team. Ang pinag-usapan ng mga nakapanood ay ang kanyang acting. Hindi namin napanood ang pelikulang iyon, dahil sa kahihintay naming lumuwag ang mga sinehan, nakaligtaan na namin at hindi na napanood. Pero ilang buwan lang naman, may video na iyan, kaya siguradong mapapanood din namin.

Siguro nga kailangang aminin natin na may panahong nagkamali sila ng diskarte sa career ni Daniel at medyo bumaba ng kaunti ang kanyang popularidad, pero ngayon ay unti-unti na nga siyang nakababawi at lumalabas na lumalamang pa siya sa kanyang mga kasabayan.

Susubukan naman daw nila ngayon kung ano ang mangyayari kung aalisin muna ang kanilang love team. Gusto nilang mapatunayan kung tatayo ang career niya ng walang love team. Palagay naman namin, kaya ni Daniel. Kasi sa nakikita naman namin, marami siyang  fans na walang pakialam kung sino man ang kasama niya sa pelikula. Basta para sa kanila si Daniel lang tama na.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply