Tuesday , June 23 2026
Paolo Ortega V Sara Duterte

Sara hinamon ng solon lumagda sa bank waiver

ni Gerry Baldo

KAILANGAN dumalo si Vice President Sara Duterte sa Kamara, manumpa para sa katotohanan, at lumagda sa bank waiver upang patunayan na hindi siya nagsisinungaling.

Ayon kay Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V kailangan malaman ng publiko ang katotohanan.

“Ang kailangan ng publiko ngayon sa impeachment, under oath para sa katotohanan at hindi no-show,” sabi  ni Ortega.

“Kung talagang gusto niyang pabulaanan si Madriaga, huwag sa caption, huwag sa press statement, huwag sa paikot-ikot na soundbite. Humarap siya sa komite, manumpa, at sumagot,” hamon ng solon.

Paliwanag ng kongresista, ang bank waiver ay isang malaking hakbang tungo sa transparency dahil maaaring maberepika sa pamamagitan nito ang mga financial rekord at malalaman kung totoo ang mga alegasyon ng ill-gotten o unexplained wealth.

“Ang taong-bayan hindi naghihintay ng mas marami pang statement na ipinaparaan sa iba,” dagdag ng mambabatas.

“Ang hinihintay nila ay ang mismong Bise Presidente. Humarap, manumpa, at sumagot siya.”

Kung gagayahin ang mga ginawa ni Madriaga, sinabi ni Ortega na magiging patas ang posisyon nito at ni Duterte sa paghahanap ng House Committee on Justice ng katotothanan.

Ayon sa abogado ni Duterte na si Paolo Panelo, “pure fiction” ang mga sinabi ni Madriaga.

“Kung ‘pure fiction’ pala ang testimonya ni Madriaga katulad ng pakulo nila, dapat humarap si VP Sara sa Justice panel at mag-under oath,” sabi ni Ortega.

“Hindi puwedeng ang isang tao ay pinapasan ang bigat ng oath habang ang kabilang panig ay gusto commentary lang ang dala,” dagdag niya. “Kung gusto mong maniwala ang publiko sa denial mo, ilagay mo rin sa ilalim ng panunumpa.”

Ayon kay Ortega, nagsasagawa ng pagdinig ang House Committee on Justice upang malaman kung mayroong probable cause ang mga reklamo laban kay Duterte at dapat itong iakyat sa Senado para sa paglilitis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …