Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Krystall Herbal Oil proteksiyon sa pabago-bagong panahon

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Ninay Villanueva, 48 years old, isang promodiser sa isang Korean company, dito sa Nueva Ecija.

Ang product po namin ay kitchenwares at kami ay naka-assign sa iba’t ibang mall na may product stall namin.

         Hindi naman po kalakihan ang suweldo namin, medyo sapat lang. Pero magaan po ang trabaho saka nakaaaliw sa buong maghapon kaya hindi na po naghahanap ng iba. Bukod pa riyan ‘yung malapit lang sa bahay namin ang work ko.

         Noong mga nakaraang linggo, grabe talaga ang init, mabuti na lang at marami pang puno dito sa lalawigan namin kaya medyo malamig ang simoy ng hangin.

         Pero nitong nagdaang tatlong araw, napansin ko na tuwing hapon ay umuulan kaya nasabi ko sa sarili ko na heto na naman ang pabago-bagong panahon.

         At ‘yun nga, nadale agad kami ng sipon. Kasi sobrang init tapos biglang umulan nang malakas. Sa kabila nito hindi po ako nag-alala kasi mayroon akong Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs na gamit kong panlaban sa pabago-bagong panahon.

         Kapag breaktime po namin, agad akong nagtitimpla ang Krystall Nature Herbs para inumin at maghahaplos ng Krystall Herbal Oil sa binti, sa batok at sa ulo, pati po sa likod. Sapat lang po ang 45 minutes na break namin para  magawa ko iyon habang nagmemeryenda.

         Gustong-gusto ko po ang Krystall Nature Herbs kasi po tuwing umiinom ako nito, pakiramdam ko tanggal lahat ng lamig sa katawan ko at lumiliit ang aking tiyan.

         Gustong-gusto rin po ng mga katrabaho ko kapag sine-share ko sa kanila, hanggang bumili na rin sila ng pansariling konsumo nila.

         Thank you so much Madam Fely kasi dahil sa inyong mahusay na imbensiyon ay naaalagaan namin ang aming kalusugan.

         Wish rin po namin sa inyo na lagi kayong healthy at tuloy ang biyayang siksik liglilg para patuloy kayong makatuklas ng mga bagong imbensiyon.

         God bless po.

NINAY VILLANUEVA

Nueva Ecija

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …