Wednesday , April 17 2024
Dragon Lady Amor Virata

Negosyanteng intsik  inirereklamo ng mga empleyado

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

INIREREKLAMO ng may 11 empleyado ang JUJU Mart na matatagpuan sa Chino Roces Ave., Makati City dahil sa kawalan ng benepisyo gaya ng Social Security System (SSS) na dapat ay ipinagkakaloob sa kanila.

Pag-aari umano ito ng isang Intsik. Ilan sa empleyado ay matagal nang nagtatrabaho sa Juju Mart pero bulag at bingi ang may-ari sa mga benepisyong dapat ibigay sa mga empleyado kabilang ang 13th  month.

Ang Juju Mart ay sinasabing may paglabag sa batas ng NLRC kaya dapat buksan ng nasabing ahensiya ang kanilang mga mata upang makatulong sa mga manggagawa.

Ang mga nasabing Intsik ay dapat hatulan dahil mga dayuhan at siya pang umaapi sa maliliit na manggagawa.

Paging NLRC!

JS Senior Prom sa Pasay mukhang luto ang laban

ILANG kandidata sa ginanap na JS Senior Prom ang hindi nagustohan ang itinanghal na Miss JS Prom ng Pasay City West High School, ginanap sa Jose Rizal Elementary School.

Ang dahilan ay ang pagkapanalo umano ng anak ng PTA President at inakusahan na ‘niluto’ ang kompetisyon.

Anang ilang estudyante, hindi dapat isinasali ang anak ng may katungkulan sa PTA o sinomang anak ng titser, dahil malaki ang impluwensiya sa mga skul ng PTA President.

Bukas ang pahayagang ito para sa kasagutan ng pamunuan ng Pasay City West High School.

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …