Wednesday , February 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Hirit sa P100 dagdag-sahod malabo

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SABI ng DOLE, ‘di kaya ng mga employers na ibigay ang dagdag-sahod na P100 ng mga manggagawa dahil hindi pa sila nakababangon sa nagdaang pandemya at pagtaas ng lahat ng bilihin partikular ang krudo doon sa mga may negosyong may aangkatin at deliveries.

Parang hindi nga naaayon na pagbigyan agad-agad ang kahilingan ng mga mangagawa dahil nasa recovery period pa ang lahat ng negosyante.

Tumaas din ang mga bayarin sa business tax, maging sa mga real property tax. Sabi pa, kung ang gobyerno ay naghirap sa panahon ng pandemya, sila pang mga negosyante!

Ang pagkakasaid sa pondo ng mga lokal na pamahalaan noong panahon ng pandemya, ang taongbayan naman ang sinisingil.

Sa laki ng utang ng ating bansa, ang hirap makaahon sa ngayon, kaya hindi nakapagtataka na mas marami ang dumaranas ng hirap ngayon.

TAXI DRIVERS UMANGAL SA HINA NG KITA DAHIL SA ANGKAS RIDERS

Isyu rin ang hiling ng taxi drivers na ngayon ay dumaranas ng hirap sa kanilang kinikita.

Mas malakas kumita ngayon ‘yung mga Angkas rider dahil bukod sa mas nakatitipid sa pasahe ay madaling lumusot sa traffic jam at obra pa ang short cuts sa mga daan.

Suwerte na nga raw makauwi sa pamilya ng P500, dahil walang pasahero at mahal ang krudo.

Darating ang panahon na ang taxi drivers ay magiging Angkas motorcycle rider na rin.

Sabi nga, mura nga pero malapit naman sa disgrasya. Pero bingi ang taongbayan sa puwedeng madisgrasya dahil ang gusto nila ay makatipid lalo na ‘yung ayaw mahuli sa kanilang mga trabaho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang Pag-IBIG at ang P6-B pamumuhunan

PADAYONni Teddy Brul ISANG kolum ng pagsusuri at pananagutan Ayon sa mga ulat at impormasyong …

Firing Line Robert Roque

OA sa Senado

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NITONG nakaraang weekend, paulit-ulit na lumilitaw sa aking social …

Dragon Lady Amor Virata

Diskuwento ng Senior Citizens sa Cavite City bakit bakit 5% lang?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HETO po ang nakababahalang tanong at reklamo ng mga …

Firing Line Robert Roque

Isang makatarungang trapik para sa MRT-7

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SIMULA 1 Pebrero, dapat nang maghanda ang mga motorista …

PADAYON logo ni Teddy Brul

“Minahal kita” – Si Kristo sa panig ng Anakpawis (Dilexi Te – Book of Revelation 3:9)

PADAYONni Teddy Brul SA PAGLULUNSAD ng Labor Consultative Assembly na inisyatiba ni Bishop Gerardo “Gerry” …