Thursday , February 29 2024
Dragon Lady Amor Virata

Kalsada ginawang parking lot

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

DUMULOG sa inyong lingkod ang mga negosyante na umookupa sa tatlong warehouses na nakapuwesto sa Old Sucat Road, sakop ng Barangay San Dionisio, lungsod ng Parañaque upang ireklamo ang mga mobile car, pribadong sasakyan ng mga pulis na ginawang parking lot ang kalsada sa nabanggit na lugar, dahilan kaya nahihirapang makapasok ang mga container van na magbababa ng kargamento sa mga nasabing warehouse.

Ang mga warehouses ay matatagpuan sa likod ng gusali ng Parañaque City Police Station at ilang metro lang ang layo sa mismong Barangay Hall ng Brgy. San Dionisio.

Ang nakatatawa sila pang  mga pulis ang lumalabag gayong alam nila na kalsada ang kanilang pinaparadahan. Bulag ba ang mga pulis at wala silang pakialam kahit nakaiistorbo sila?

Isinangguni ng inyong lingkod ang problemang ito kay Brgy. Chairwoman Eva L. Olivarez, wala pang kompirmasyon kung mapagsasabihan ang mga pulis na nagpaparada ng sasakyan.

Sana mahiya naman ang mga pulis dahil mga taxpayer ng lokal na pamahalaang lungsod ang may-ari ng mga warehouse.

Maski ako, kung taxpayer ako, may karapatan akong magreklamo dahil istorbo kayo! ‘Yan minsan ang problema kapag ang unipormadong pulis ay siga.

Sana naman sa Chief of Police ay pansinin at aksiyonan ang problemang ito. Puwede ba Col? ‘Yung iba nga nagbabayad ng parking fee, kayong pulis, libre na istorbo pa?

Sa pamamagitan ni Brgy. Chairwoman Eva L. Olivarez bago pa ito makarating at ireklamo kay Mayor Eric L. Olivarez, kayang-kaya na ito ni Kapitana.

Paging Col. Rey Garduque,  aksiyon mo ang dapat! O kaya ay ipahatak sa Traffic Bureau! (30)

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pumapabor sa ICC ang kapalaran

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Inakala ko noon na nag-iisa lamang ako sa pambabatikos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

SSS revenue target para sa 2023, lumagpas sa 9.5 percent

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKATUTUWA ang napaulat nitong nagdaang linggo kaugnay sa  koleksyon “revenue”  ng …

Dragon Lady Amor Virata

Hirit sa P100 dagdag-sahod malabo

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng DOLE, ‘di kaya ng mga employers na …

Sipat Mat Vicencio

Hindi palulusutin ni PBBM sina Go, Tol, Bato sa 2025

SIPATni Mat Vicencio HINDI dapat umasa pa sina Senator Bong Go, Francis “Tol” Tolentino at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paboritong krimen ‘pag Pebrero: Pag-ibig

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAAKIBAT ng Pebrero ang ideya na ang kinakailangan ng …