Thursday , February 29 2024
Dragon Lady Amor Virata

Pasko, tapos na illegal vendors sandamakmak pa rin 

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

NAKAAAWA pero kung minsan nakaaasar na! 

Pinagbigyan na noong araw ng Pasko, hanggang New Year celebration, umabot pa ng Three Kings, ngayon gusto naman e hanggang Valentine’s Day?!

Susunod naman ay pasukan daw ng nga anak, walang pang- tuition. Kailan matatapos ang mga dahilang ito ng illegal vendors? Walang Katapusan! 

Masyado nang naapektohan ang mga commuters, maging ang mga  pribado at pampublikong sasakyan dahil nakahambalang ang mga illegal vendors sa kalsada diyan sa Baclaran Taft hanggang Pasay.

Ang lungsod ng Parañaque ay may solusyon nang itatakda, sisimulan na ang gusali na paglilipatan ng mga vendor. Dapat tapos na ang gusali pero inabot ng pandemic kaya naudlot. 

Noon ay P150 milyon ang nakalaang pondo, na posibleng tumaas na dahil nagmahal ang mga materyales.

Ang gusali ay nasa tapat ng Redemptorist Church at ‘di kalayuan sa hagdanan ng ginagawang LRT extension patungong Bacoor, Cavite.

Ang tanong, nakasisiguro ba tayo na hindi magbabalikan sa kalsada ang mga illegal vendors sakaling matapos na ang gusaling paglilipatan? 

‘Di ba kaya nga illegal vendors ay ayaw magbayad ng buwis? Gusto ng mga ilegal ay libre!

Dito natin masusubukan ang estratehiyang ito ng Parañaque local government. h paano ang mga ilegal vendors sa Pasay Taft? 

Nalaman natin na mismong mga may-ari ng establisimiyento ang nagtitinda sa bangketa. Katwiran nila ‘pag hindi nila inilabas ang kanilang paninda ookupahan ng illegal vendors at matatakpan ang kanilang mga puwesto.

May katuwiran nga naman! Samakatuwid ang legal na vendors ay ilegal na rin. Sabi ng isang may-ari ng puwesto, may business permit siya, sa City Hall nagbayad.

Paano nila kikitain ang kanilang ibinayad na buwis kung ookupahan ng illegal vendors ang harapan ng kanilang puwesto.

Dapat isaayos ‘yan! Kawawa naman ang mga business taxpayers ‘di ba?

***

Nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pakikiramay kay P’que City Administrator Voltaire dela Cruz sa pagyao ng kanyang nakababatang kapatid na babae na si Rizalyn dela Cruz. May she rest in peace.

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pumapabor sa ICC ang kapalaran

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Inakala ko noon na nag-iisa lamang ako sa pambabatikos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

SSS revenue target para sa 2023, lumagpas sa 9.5 percent

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKATUTUWA ang napaulat nitong nagdaang linggo kaugnay sa  koleksyon “revenue”  ng …

Dragon Lady Amor Virata

Hirit sa P100 dagdag-sahod malabo

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng DOLE, ‘di kaya ng mga employers na …

Sipat Mat Vicencio

Hindi palulusutin ni PBBM sina Go, Tol, Bato sa 2025

SIPATni Mat Vicencio HINDI dapat umasa pa sina Senator Bong Go, Francis “Tol” Tolentino at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paboritong krimen ‘pag Pebrero: Pag-ibig

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAAKIBAT ng Pebrero ang ideya na ang kinakailangan ng …