Saturday , April 27 2024
Malacañan Kamara Congress

Sa pagbagal ng inflation rate
POLISIYA NG PALASYO KINATIGAN NG KAMARA

IKINALUGOD ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbagal ng inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa ikalimang sunod na buwan ngayong 2023.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang naitalang 5.4% inflation rate sa buwan ng Hunyo ay patunay na nagbubunga na ang maayos na pamamahala at epektibong polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., upang mapigilan ang pagsirit ng pagtaas ng presyo.

“This continued drop in inflation can be attributed to President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.’s strong political will and the administration’s sound economic policies. From a high of 8.7% at the start of the year, inflation had been tamed to 6.1% in May, and dropped again in June at 5.4%,” ani Speaker Romualdez.

Ang naitalang inflation rate noong nakaraang buwan ay katulad din umano ng naunang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang naitalang 5.4% headline inflation nitong Hunyo ang pinakamababa sa loob ng 13 buwan.

         “President Marcos Jr.’s carefully crafted spending plan in the 2023 national budget, his many investment tours during his term that inspire investor confidence, and his focused programs and actions against high prices of goods all contributed to this drop in inflation rate,” sabi ni Speaker Romualdez.

“He practically hit the ground running after the inauguration of his presidency last year. We at the House of Representatives also tried to move at his pace, and we were also very productive in our mandate to support the 8-point economic agenda of the President and his Agenda for Prosperity, including his priority legislation,” dagdag ng Speaker.

Ayon sa lider ng Kamara, ang 2023 national budget ay nakatuon sa mithiin ni Pangulong Marcos na mapalakas ang purchasing power ng mga Filipino at maramdaman ito sa unang anim na buwan ng taon.

“Lowering the inflation rate is a necessary offshoot of boosting our people’s purchasing power. And the Marcos administration has achieved that effectively,” ani Romualdez.

         Mula sa 8.7% inflation rate noong Enero 2023, ay bumaba ito sa 8.6% noong Pebrero at naging 7.6% noong Marso. Bumaba ito sa 6.6% noong Abril at 6.1% na pagsapit ng Mayo.

Ang Kamara ay gumawa rin ng mga hakbang upang matukoy ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kasama rito ang imbestigasyon sa smuggling ng sibuyas at iba pang produktong agrikultural at pagkontrol sa suplay nito upang tumaas ang presyo.

Ang hakbang na ito, ayon sa lider ng Kamara ay nakatulong upang mapababa ang halaga ng batayang bilihin at maibsan ang food inflation.

         “We will continue to work on measures to ensure that the prices of goods and basic commodities remain affordable to the Filipino people,” ayon sa House Speaker.

Tinuran ni Speaker Romualdez, noong Mayo ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Executive Order (EO) No. 28 para sa pagbuo ng isang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO), upang mapag-isa ang mga hakbang ng iba’t ibang ahensiya patungo sa pagpapababa sa presyo ng mga bilihin.

         “We predict that inflation will continue to slow down as we reach the end of 2023, as the programs of the national budget have been implemented to their full extent and the policies of the administration continue to benefit the people,” ayon sa speaker. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …