Friday , January 27 2023
Dragon Lady Amor Virata

Renta sa loob ng police detention cell, buking

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

KAMAKAILAN, nabuking natin ang Pasay City Police na sa bawat dalaw ng mga kaanak ng mga preso sa kanilang maliit na selda ay kinakailangan magbayad ng P50 kada magdadala ng pagkain.

Dahil hindi naman sa mismong city jail pa nakakulong ang preso at wala pang resolusyon mula sa piskalya, pansamantala ay doon muna sa munting detention cell ng Pasay City police headquarters nakakulong ang mga nahuhuli ng mga kagawad ng pulisya sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan.

Sa Las Piñas police headquarters naman ay magbabayad naman ng renta. Ang kumukuha ay ang mga mayores.

Paano natin nabuking? Dumalaw tayo sa munting detention cell ng Las Piñas City na nasa dulo ng police station.

Nagdala tayo ng pagkain para sa siyam katao na may mga kasong tresspass to dwelling, maliit na kaso.

Siyam na empleyado na dalawa dito ay babae at pito ay mga kalalakihan.

Biyernes nakulong at dinismis ng piskalya ang kaso (ipinadala na may love effect).

Nakalabas ang siyam na empleyado, araw ng Martes.

Bago lumabas ng kulungan, hinihingian ng mayores ng kulungan ng mga babae ng dalawang libong piso.

Sa kulungan ng lalaki kinuha nila ang ibinigay naming 2K pambili ng pagkain.

Nang muli tayong dumalaw, araw ng linggo, hindi pa raw sila kumakain dahil kinuha ng mayores ang 2k na ibinigay natin.

Ano ‘yun? Renta sa selda?

Nalaman pa natin na ang pagkain na dinadala namin sa pagdalaw ay kailangang ipakain sa ibang preso. Kaya dapat huwag nang dalawin dahil kapag may perang inabot, kukunin lang. Alam n’yo ba ito Col? Ikaw ang hepe diyan. Tsk tsk tsk…

Samantala sa mismong City Jail ay may rasyon na pagkain. 

Nakatatakot pala sa selda ng mga pulis! Pinagkakaperahan!

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang problema ng shortcuts

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG nakababahalang apela ni Secretary Benhur Abalos sa lahat …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nakalilitong pasahe sa EDSA Bus Carousel, inaksiyonan na Guadiz

AKSYON AGADni Almar Danguilan DISYEMBRE 31, 2022, nagtapos ang maliligayang araw ng mga pasaherong suki …

Dragon Lady Amor Virata

Nasaan na ang listahan ng mga pulis at barangay na sangkot sa illegal drug trade?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, naging …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pagsalubong sa 2023, generally peaceful — Gen. Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang pahayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Salubungin ang Bagong Taon nang walang eSABONG

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TAONG 2023 na pero hindi pa rin maipaliwanag ng …