Wednesday , May 29 2024
Dragon Lady Amor Virata

Kaso ni Lapid, matutukoy ba ang mastermind?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MAHABA ang proseso ng imbestigasyon sa pagpatay sa broadcast journalist at kolumnistang si Percival  Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid.

Ang mga hawak na suspek ay isa-isa nang sumasailalim sa interogasyon ng mga awtoridad na humahawak ng kaso.

Hindi natin alam kung sisigaw ang mga hawak na suspek kung sino-sino, bukod kay Lapid ang kanilang itinumba, karamihan ay mga may pangalan sa kani-kanilang industriya. Malalaman din kung sino ang mga utak.

Noon pa man, uso na ang magpalabas ng preso para pumatay, pero ngayon kakaiba na, ang mga nakakulong na ang mga may galamay sa labas na kanilang utusan.

Sabi nila, ang National Bilibid Prison (NBP) ay isang impiyerno sa buhay ng isang preso, dahil lahat ng kasamaan ay nasa loob ng bilibid, sugal, droga, at prostitusyon.

Speaking of droga, naririyan ang malalaking drug lords, ‘yung isa na mga dayuhan ay inilipat sa Iwahig, pero ‘di pa rin nasusugpo dahil ang mga galamay naiwan at sila ang nag-o-operate. Lahat yata ng naupong direktor ng NBP ay naging milyonaryo.

Meron akong kontak na kalalaya lang, sabi niya, mas gusto raw nila sa loob ng Bilibid dahil nagkaroon siya ng maraming pera pagkatapos ng dalawang taon niya sa loob ng NBP ay nakalaya siya.

Ayon sa kanyang kuwento, nakabili siya ng motorsiklo, isang sasakyang adventure at natalo siya sa Casino ng dalawang milyong piso. Ang raket daw niya ay utusan lang siya ng mga drug lords sa NBP para maghatid ng ilegal na droga sa kanilang selda, at may blessings iyon ng mga prison guard kaya mula sa kanyang selda ay malaya siyang nakapagde-deliver ng droga. Hindi ito kuwentong kutsero, totoong totoo ito mga kaibigan.

‘Yung kaso ni Lapid, medyo matatagalan pa, ‘di lang natin alam kung buhay pa ang tunay na utak na kumausap sa mga nahuling suspek.

Kaya ‘pag nangyari ito, nabulgar lamang ang katiwalian sa loob NBP na dapat nang matigil.

About Amor Virata

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Hindi lahat ng huwes ay matino

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA HALIP na magkaloob ng hustisya at protektahan ang …

Sipat Mat Vicencio

Tigas ng mukha ni Senator Bato

SIPATni Mat Vicencio “TO Bato dela Rosa, who stuck it out with me to the …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Cyberlibel vs Tony Leachon ‘resulta’ ng iresponsableng  pahayag sa social media

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHIRAP talagang masanay na isang social media icon lalo na kung …

YANIG ni Bong Ramos

Former PDEA agent Jonathan Morales, walang masustansiyang sinabi sa Senate hearing, nuknukan ng sinungaling

YANIGni Bong Ramos WALANG NAPALA, walang nahita at walang nakuhang konkreto ang Senado sa mga …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Day care centers para sa matatanda

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA sa kultura ng mga Filipino ang paglalagak sa …