Monday , August 8 2022
Dragon Lady Amor Virata

Walang paradahan, hindi puwedeng bumili ng sasakyan

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MAGING epektibo kaya ang inihaing panukala ni dating speaker at incumbent Marinduque Speaker Lord Allan Velasco na gawing requirement sa pagbili ng anomang uri ng sasakyan ay mayroon dapat parking area?

Ang panukalang ito ng Kongresista sa kanyang  House Bill 31, sinabi nito na lilimitahan ang pagpapatupad ng kanyang panukala sa Metropolitan area, kung saan maraming sasakyan ang bumibiyahe.

Tinukoy ng Kongresistang masyado nang masikip dahil sa mga nakaparadang sasakyan sa public roads. Talagang ginagawa nilang parking lots ang mga kalsadang ipinagagawa ng gobyerno mula sa taxpayers money na milyones ang halaga.

Ayon sa Kogresista, sa ilalim ng panukala, sinomang tao na ang address ng bahay o negosyo ay nasa Metropolitan area gaya ng Metro Manila, Angeles City, Baguio City, Batangas, Cagayan de Oro, Cebu City, Davao City, Iloilo City, Naga City, at Olongapo City, ang mga bibili ng sasakyan ay kailangang mag-execute ng affidavit na mayroon itong paparadahan ng bibilhing sasakyan, at ipanonotaryo saka isusumite sa Land Transportaion Office upang mairehistro ang sasakyan.

Ipapawalang bisa ang rehistro ng sasakyan kung mapatunayan na hindi totoo na mayroong parking lot o space ang may-ari ng sasakyan.

Ang may-ari ng sasakyan na nasa kanyang pangalan ang rehistro ay hindi na makapagpaparehistro ng kanyang sasakyan sa loob ng tatlong taon at multang P50,000 sa bawat lumabag.

Ang tanong, maging epektibo kaya ito Cong. Velasco? Alam na alam ng lahat na ang ahensiya ng LTO ang isa na yata sa pinaka-corrupt na ahensiya ng gobyerno.

Ang daling makakuha ng driver’s license kahit hindi nagdaan sa student permit. Ang daling magparehistro kahit no appearance ang sasakyan, na dapat dumaan sa emission testing. At kahit hindi marunong magmaneho, may driver’s license na, kasi mahalaga ito bilang ID sa mga transaksiyon, government ID, okey sa banko kung mag-e-encash ng mga tseke.

Dapat sigurong linisin muna ang tanggapan ng LTO, alisin ang mga corrupt. Baka ang mangyari batas-batasan lang ‘yan Cong. Velasco? Ang dali ng pera d’yan sa LTO.

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Sipat Mat Vicencio

Poe nagulat sa pagkambiyo ni Bongbong sa DDR

SIPATni Mat Vicencio NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, …

Krystall Herbal Oil

Manugang mabilis na nanganak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Sipat Mat Vicencio

Tibay ni Carding

SIPATni Mat Vicencio SA GITNA ng nagsasalimbayang unos at maladelubyong sitwasyon sa loob ng Malacañang, …

Dragon Lady Amor Virata

Inabandonang anak may sustento na

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata LAGOT ang mga tatay na umaabandona sa mga anak, …