Saturday , April 1 2023
Dragon Lady Amor Virata

Technical smuggling, lagot sa container monitoring policy ng PPA!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

BABANTAYAN ang mga iskedyul, loading, unloading, release at movement ng mga container van, bukod sa ang pagkakaroon ng container identification, accountability at protection program, sa pamamagitan ng Administrative Order No. 04-2021 na nagtatakda ng polisiya sa pagpaparehistro at pagmo-monitor ng mga container sa pamamagitan ng technology solution.

Sabi ni G. Eugenio Ynion, president/CEO ng Cebu City-based organization, iba’t ibang grupo sa PPA ang nagnanais ipawalang-bisa ang AO, na pirmado ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago noong nakalipas na Setyembre 2021 at umano’y may contract agreement na noong 2 Mayo.

Bagay na tinutulan ng ilang grupo ng mga shipping lines, ng Confederation of Truckers Association of the Phils., Inland Haulers and Trucking Ass., Truckers Association in the Water South  Inc., at Professional Customs Brokers Association of the Philippines. Inc., na nagsabing trabaho ng Bureau of Customs (BoC) at hindi ng PPA ang pagmo-monitor sa mga technical smuggling, at magiging daan raw ng redundancy o duplikasyon sa trabaho sa pagitan ng BoC at PPA. Bagay na itinanggi ni Ynion.

Sa aking opinyon, mabubuking ang lahat ng katiwalian kapag umentra na ang pagmamanman ng PPA Monitoring Policy dahil hindi na mano- mano ang bilangan dahil magkakaroon na ng transformation mula sa manual to automation.

Alam natin na ang BoC ay isa sa pinakamayamang ahensiya ng gobyerno at limpak-limpak ang kinikita ng gobyerno rito at maraming opisyal ang yumaman sa BoC, nabusog at lumaki ang tiyan.

Upang matiyak na maayos ang lahat, papaigtingin ng PPA ang Monitoring Policy base sa AO na kanilang susundin. Technical smuggling ang isa sa dahilan kung bakit maraming yumayaman sa BoC at kailangan nang masugpo ito… pasok PPA!

About Amor Virata

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Katarungan, pangako ni QC Mayor Joy para kay TE Antolin

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang nangyari nitong nakaraang linggo sa isang traffic enforcer ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Magic trick sa asukal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BATAY sa pinakahuling imbentaryo ng mga kaso na inilabas …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …