Saturday , May 28 2022
Dragon Lady Amor Virata

PRRD ‘liar’ Cayetano inendoso

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

TINAWAG na sinungaling si Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong magpahayag ng kanyang saloobin na wala siyang kinakampanyang sinumang kandidato! Bagama’t wala siyang tinukoy na mga kandidato sa presidential race, may mga ilang Senador naman siyang ikinakampanya at isa rito ay si senator Alan Peter Cayetano.

Ayon sa bulung-bulungan, simula pa noon ay lagi nitong tinitira si BBM bagama’t ‘di niya tinutukoy ang pangalan nito. Sadyang ayaw niya kay BBM kaya ang kanyang anak na si Sara Duterte ay kaalyado ng iba’t ibang partido para makasiguro na manalo, dahil nais niyang maging Pangulo ang anak na si Sara pagkatapos ng anim na taon sakaling makapuwesto bilang vice president.

Kapuna- puna ang madalas na pagdalo ni Sara Duterte sa iba’t ibang probinsiya at lalawigan na hindi kasama si BBM. Isa ito sa propaganda ni Pangulong Duterte para sa kanyang anak na si Mayor Sara.

Sabi ng ilan, mahirap habulin ang bilang ng mga suporta ni BBM kay VP Leni Robredo, dahil ayon sa survey nangunguna pa rin si BBM. Huwag lamang umano manipulahin o madaya, at ‘wag makialam si PRRD sa pandaraya, siguradong masusungkit ni BBM ang pagka-Pangulo.

Marami rin ang nagsabing supporters ni BBM na imposibleng hindi gumalaw ang makinarya ni PRRD sa kagustuhang ‘wag manalo si BBM.

Nabuo ang hinala ng mga supporters ni BBM noong magsalita si Pangulong Duterte ng blind item na isang kandidato sa Presidential race ang addict, na sinakyan naman ng mga dilawan na naging ‘Pinklawan.’

Ngayon naman ay inaakusahan na magnanakaw si BBM dahil sa hindi pagbabayad ng estate tax, ngunit patuloy na nananahimik si BBM, at sa halip ay patuloy ang kanyang pangangampanya.

Bakit kaya ngayon lang ibinabato sa pamilya Marcos. Bakit ngayong si BBM ay naghahangad na maging Pangulo? Bakit si Senator Imee Marcos ay hindi dumanas ng mga ganitong isyu sa pamilya Marcos? Gayong ilang ulit na tumakbong senador si Imee?

Isa lang ang dahilan, ayaw talaga nilang maupo si BBM dahil si BBM ay isang higanteng kaaway sa mga dilawan, at ayaw din ni PRRD dahil siguradong may kinatatakutan si PRRD na ‘di natin batid. O baka naman pagkatapos ng termino ni BBM sakaling manalo ay si Imee ang makatunggali ng kanyang anak pagkatapos ng anim na taon. Malay natin ‘di ba? Kaya makiramdam tayo sa araw ng eleksiyon. Kailangan ang mahusay na pagmamasid… sigurado, hindi dayaan sa ibang kandidato ang dapat bantayan kundi sa pagka- pangulo.

About Amor Virata

Check Also

PROMDI ni Fernan AngelesI

Murang kuryente, langis possible kahit hindi ibasura tax measures

PROMDIni Fernan Angeles KUNG gusto may paraan. Ito ang diin ni Energy Undersecretary Benito Ranque …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Stiff neck tanggal agad sa machine therapy at Krystall products

Dear Sis Fely, Magandang araw po sa inyo Sis Soly Guy Lee at Sis Fely …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Leadership ni QC Jail Warden Supt. Bonto, sinasabotahe

AKSYON AGADni Almar Danguilan Malalamang na desperado-desperado ngayon ang “mastermind” sa layuning mapalitan si Quezon …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Ambisyong maging DOE Secretary ni Devanadera, napurnada pa yata

PROMDIni Fernan Angeles SA GITNA NG KRISIS sa enerhiya, higit na angkop para sa Department …

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Tambak na wiped out pa

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. TAPOS na ang halalan pero hanggang ngayon ay …