Friday , May 27 2022
Kitkat Walby Pregnant

Kitkat life changing blessing ang pagbubuntis 

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

MASAYANG ibinalita ni Kitkat sa Instagram na 15 weeks pregnant na siya. Pinili ni Kitkat at ng kanyang mister na si Walby Favia na ibahagi sa publiko ang pagbubuntis ng komedyana nitong Valentine’s Day.

Ayon sa IG post ni Kitkat, “HAPPY VALENTINE’s DAY EVERYONE!!!! Wala na kaming putukan now ,, naputukan na! Chareng!!! Hahaha

Kidding Aside..,, we just want to share with all of you our greatest happiness and Blessing,,,

YES!!! WE ARE PREGNANT!

“Oha walang nakapansin ano,, ive been pregnant since november and super blessing tlaga at di kami maselan ni baby… cguro nagtataka lang kayo bakit lagi maluwag ang mga damit ko sa mga tv appearances ko at lagi naka rubber shoes hehe! Well, minu minuto nagpapasalamat kami kay Papa God sa napakalaki at life changing blessing na ito… pati milagro at ipinagpapasalamat namin na lahat ng anxieties ko, migraine with aura, vertigo, acid reflux, hypertension, asthma at kung ano ano pa ay di ko talaga nararamdaman simula ng nagbuntis ako! We Praise and Love and Trust YOU PAPA GOD! Maraming Salamat po talaga! … yun lang! “HAPPY (indeed) VALENTINE’s” talaga

#15weekspregnant …. And message ko sa lahat,,, BE HAPPY AND KIND ALWAYS…. Ang bawat blessing ay may timing…. God is really faithful perfect timing always!”

Sa isa pang IG post, ibinahagi naman ni Kitkat ang ultrasound video ng kanyang baby sa sinapupunan niya.

“I look forward to our quiet nights alone.

I look forward to your mini fingers and toes.

I look forward to your blinking eyes.

I look forward to all the ways you will be just like your Daddy Walby.

But I especially look forward to learning about all the things that make you uniquely YOU. We love u baby, we cant wait to see u,” sabi ni Kitkat sa caption.

Pati sa TikTok ay ka-join na rin ni Kitkat ang baby niya. “Hinila ako ni baby mag tiktok daw kami… hehhe,” ani Kitkat.

About Glen Sibonga

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …