Saturday , May 21 2022

Binaril si kapitan sa tapat ng presinto, mga pulis, missing in action?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

NOONG nakalipas na araw ng Lunes, ganap na 11:00 ng gabi, isang riding-in-tandem ang walang habas na pinaputukan ng bala ng baril ang barangay hall sa Brgy. 179 Maricaban, Pasay City at dalawa ang sugatan. Isa rito ay si Brgy. Captain Evan Basinilio, na kilalang madalas mag-operate ng mga ilegal na aktibidad sa kanyang sakop na barangay.

Si Kapitan ay tinamaan ng bala ng baril sa kaliwang hita na tumagos sa kanang hita at naiwan roon ang bala. Kaya si Kapitan ay kinakailangan maoperahan. Heto po ang kuwento ng ilang nakasaksi na ayaw magpakilala…

Matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem ang barangay hall at tamaan ng bala si Kapitan at isang miyembro ng Lupon, mabilis siyang isinugod sa San Juan de Dios.

Nasa San Juan de Dios na umano ang mga biktima, wala pa rin nagrespondeng pulis, gayong tapat ito ng presinto. Mukhang mahimbing yata ang pagkakatulog  ng mga duty police sa nasabing presinto.

Habang nagkakagulo ang lahat, iisa ang bersiyon ng mga taong nakapaligid sa barangay na nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril, mabuti pa ang mga nagulantang at usisero, agad nagresponde samantala ang mga pulis sa presinto, nowhere to be found?

Attention: Col. Reynaldo Paday-os, ano at nasaan ang mga night shift duty police ninyo? Palitan mo ‘yan ng mga hindi bingi o baka duwag? Puro natutulog sa kangkungan! Kahiya-hiya!

Calling the attention of PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar, kilala ka bilang man of action, pero ang mga pulis ninyo sa presinto ng Maricaban, tutulog-tulog! Col. Paday-os, ‘di nakikita sa gandang lalaki ang pagdidisiplina sa mga tauhan! Subukan mong itapon sa kangkungan!

About Amor Virata

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

P33.00, hindi nakabibili ng corned beef

AKSYON AGADni Almar Danguilan MAGKAKANO na ba ang isang de latang sardinas ngayon? Depende sa …

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Isang Bukas na Liham

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. SA MGA KASAMA, ngayon at dati; kamag-anak, kamag-aral …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Eksperto, hindi polpolitiko sa DOE

PROMDIni Fernan Angeles SA NAPIPINTONG pag-upo ni President-elect Bongbong Marcos bilang ika-17 Pangulo sa Hulyo, …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ikinayaman ang presyohang turon

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ALAM ng mga nakatrabaho ko sa Tempo sa loob …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Taas presyo sa de-lata, gatas, asin atbp, hamon sa BBM admin

AKSYON AGADni Almar Danguilan INAASAHAN sa buwan ng Hulyo o mga kasunod na buwan ay …