Saturday , November 27 2021

Sa Nueva Ecija: 69-anyos lola binaril ng 60-anyos kapatid na lalaking ex-Army

BINAWIAN ng buhay ang isang 69-anyos babae matapos barilin ng kanyang nakababatangt kapatid na lalaki sa gitna ng kanilang pagtatalo nitong Linggo, 18 Hulyo, sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ng mga imbestigador ang bitkimang si Laureda Bermoza, residente sa Brgy. Caanawan, sa nabanggit na lungsod, nakatatandang kapatid ng suspek na kinilalang si Eusebio Tugas, Jr., 60, retiradong miyembro ng Philippine Army.

Ayon sa pulisya, nagtatalo ang magkapatid nang biglang kinuha ng lasing na suspek ang baril sa kanyang bahay saka sunod-sunod na pinagbabaril ang biktima.

Tinamaan si Bermoza ng mga bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at dinala sa San Jose City General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Narekober ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala ng kalibre .45.

Dinakip ang suspek sa ikinasang follow-up operation sa Brgy. San Andres na katabi ng Science City of Muñoz na nakompiskahan ng hinihinalang armas sa pamamaslang.

Haharapin ni Tugas ang kasong murder sa pagpaslang sa nakatatandang kapatid. ###

 

About Hataw Tabloid

Check Also

Jeffrey Hidalgo Angeli Khang

Jeffrey Hidalgo sumabak na rin sa pagdidirehe ng bold

FACT SHEETni Reggee Bonoan SPEECHLESS kami sa trailer ng bagong erotic drama movie ng Viva …

P251-K bato kompiskado HVT sa Pasig arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang 33-anyos lalaki, pangsiyam sa high value targets (HVT), sa ikinasang …

Sa Bulacan
24 LAW OFFENDERS DERETSO SA HOYO

ARESTADO ang 24 katao, pawang lumabag sa batas, sa iba’t ibang operasyon na inilatag ng …

Alitangya sumalakay sa Pampanga

NAITALA sa ilang lugar sa lalawigan ng Pampanga ang pananalasa ng rice black bug o …

PCSO STL PNP NBI

Ayuda sa NBI, PNP
P52.2-M PCSO STL SALES INILAAN SA HEALTHCARE

NANAWAGAN ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau …

Leave a Reply