Saturday , November 27 2021

Direk Jason Paul talent manager na

TALENT manager na rin ang multi-awarded director na si Jason Paul Laxamana dahil ang kanyang Ninuno Media ang discoverer, mentor, at creative director ng Alamat.

Ang Alamat ang pinakabagong sing-dance-rap boy group sa Pilipinas na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga miyembro.

Sina Taneo mula sa Kalinga, Mo (Zambales), Kin (Quezon City), R-ji (Eastern Samar), Valfer (Negros Occidental), Gami (Bohol), Tomas (Albay), at Alas (Davao City) ang mga bumubuo sa Alamat.

Layunin ng Alamat na pagsamahin ang modern pop music at ang Pinoy cultural heritage.

Nagdaan sa mahigpit na screening process ang siyam na miyembro ng Alamat dahil bukod sa husay sa pagkanta at pagsasayaw, kailangang magaling sila sa pagsasalita ng kanilang native dialect.

Multilingual boy group ang pangarap ni Laxamana para sa Alamat dahil sa kagustuhan niyang gamitin ang mga regional language sa mainstream music.

“Alamat was formed with the ‘counter-Kpop’ concept. It uses the formula of Kpop—intensive training, audiovisual music, commercial appeal, etc.—but promotes Filipino culture and sensibilities instead. Crucial to this concept is its commitment to multilingualism.

“The idea is, if we seek to genuinely embody the Philippines, Alamat should reflect the country’s cultural and linguistic diversity,” pahayag ng Ninuno Media tungkol sa Alamat, na ipinu-promote ngayon ang kanilang unang single, ang ‘kbye.’”

Mapagkakamalang K-pop artists ang siyam na miyembro ng Alamat, pero Pinoy na Pinoy ang kanilang pananamit, ang tunog ng debut single nila, at paggamit ng Tagalog, Ilocano, Kapampangan, Bicolano, Waray-Waray, Hiligaynoon, at Bisaya sa lyrics ng kbye.

– Danny Vibas

About Hataw Tabloid

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Blind Item, Men

Aktor usap-usapan ang escapades sa mga gay designer at rich gays

HATAWAN!ni Ed de Leon USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang …

Andrew Schimmer Jho Rovero

Andrew nananawagan tulong sa asawa

HATAWAN!ni Ed de Leon NANANAWAGAN si Andrew Schimmer, na gumawa rin noong araw ng ilang …

Leave a Reply