Saturday , November 27 2021

Frontal nudity ni Paolo ibinandera sa ina

IPINANOOD ni Paolo Gumabao sa kanyang ina ang pelikula niyang Lockdown kahit na may mga eksena siyang frontal nudity at sex sa Joel Lamangan film.

“Actually napanood ng mom ko kanina,” kuwento sa amin ni Paolo sa special screening ng Lockdown noong July 3 sa Sine Pop Boutique Cinema sa Cubao, Quezon City.

Maganda at batambata ang itsura ng non-showbiz mom ni Paolo na naroroon din habang kausap namin ang aktor.

“Napagkakamalan kami minsan na magdyowa,” sabi sa amin ni Paolo nang banggitin ang papuri namin sa kanyang ina.

At nang hingan namin ng reaksiyon ang ina tungkol sa pelikula, “Maganda, naiyak ako,” sagot ng ina.

Mula sa produksiyon ng For the Love of Arts Films ni Jojo Barron, ang streaming ng Lockdown worldwide ay sa July 23, 2021 sa ktx.phupstream.ph at RAD (iamrad.app)

Nasa pelikula rin sina Alan Paule, Ruby Ruiz, Jess Evardone, Angellie Sanoy, Paul Jake Paule, at Jim Pebanco. Kasama rin sa cast sina Jeff Carpio, Kristian Allene, Dincent Lucero, Mauro Salas, Neil Suarez, Alexis Yasuda, at Sean de Guzman.

Si Paolo ay anak ng dating aktor na si Dennis Roldan at kapatid niya (sa ama) sina Marco at Michelle Gumabao.

Tinanong namin si Paolo kung kanino kina Marco at Michelle siya mas close.

“Marami po kasi kaming magkakapatid, actually walo kami.”

 Silang tatlo lamang nina Marco at Michelle ang nasa showbiz.

“Well magkaiba kasi ‘yung closeness namin ni Marco at saka ‘yung closeness namin ni Michelle. Siyempre kami ni Marco may mga sariling bonding kami like nagba-basketball kami, nagbi-video games kami.

“Si Michelle naman ang bonding naman namin niyan mahilig kaming magkuwentuhan. Kahit gabi na. Nagkukuwentuhan lang kami about life.

“So different bonding kaming magkakapatid.”

– Rommel Gonzales

About Hataw Tabloid

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Blind Item, Men

Aktor usap-usapan ang escapades sa mga gay designer at rich gays

HATAWAN!ni Ed de Leon USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang …

Andrew Schimmer Jho Rovero

Andrew nananawagan tulong sa asawa

HATAWAN!ni Ed de Leon NANANAWAGAN si Andrew Schimmer, na gumawa rin noong araw ng ilang …

Leave a Reply