Friday , January 27 2023

BLIND ITEM: Aktor nadesmaya, maunahan ni Sr. Matinee Idol kay Male Model

AMINADO ang isang “not so young” male star na gay, na type na type niya ang isang poging male model na sikat din sa social media.

Talagang gumawa siya ng paraan para makilala iyon. Nagkaroon naman siya ng pagkakataon nang isama siya ng isang kaibigan niya sa isang photo shoot na kasama ang crush niyang male model. Pero nang matatapos na ang shoot at yayayain na sana nilang lumabas ang poging male model, sabay dating naman ng isang mas senior na matinee idol na gay din at sinusundo ang poging model. Boyfriend na pala ng senior matinee idol na gay ang poging model na pantasya niya.

“Sobra na siya. Lahat na lang ng pogi sa kanya,” sabi raw ng desmayadong gay male star.

Ilang beses na rin daw kasing nagkakatapat ang dalawa, at mukhang nagkakapareho sila ng mga type nilang lalaki. Pero siyempre ang mas senior na gay matinee idol ang laging nagwawagi, dahil mas sikat iyon, mas may hitsura, at mas madatung namang ‘di hamak kaysa mas batang gay male star.

About Hataw Tabloid

Check Also

Arnell Ignacio OWWA

Health and wellness ng mga OWWA employee tututukan ni Admin Arnell

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang concern ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Arnell Ignacio hindi …

SAF 44 National Day of Remembrance bulacan

Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance

PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), …

Arrest Posas Handcuff

Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog

Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa …

dead gun

Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout

ANG ikalimang  suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng …

dead gun

Wanted patay sa engkuwentro

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa …

Leave a Reply