Saturday , November 27 2021

Sen Ping to Pacman– His biggest asset is his “big heart” for the poor and downtrodden

HINDI inurungan ni Sen. Manny Pacquiao ang challenge sa kanya ni Pangulong Duterte na pangalanan ang mga corrupt sa kanyang gobyerno para hindi masabi ng  Pangulo na sinungaling ang boxing champ.

Ani Pacman, “I accept the challenge of President Rodrigo Dueterte. Thank you and you gave us a chance to hel and provide you information in the campaign agains corruption.”

Iginiit pa ni Pacquiao na, “I’m not a liar. I’ve make mistakes in my life that I’ve straightened out and corrected. I am not corrupt and I am not a liar.”

Parang nasa boksing si Pacman na bagamat hindi pa nagdedeklara kung tatakbong Presidente sa 2022 elections ay marami na ang namba-bash sa kanya.

May mga kumukuwestiyon kung kaya nitong pamunuan ang buong bansa. Pero marami rin namang pabor sa kanyang pagtakbo at ipinagtatanggol din siya ng mga netizen gayundin ng mga kapwa-politiko.

Isa sa nagtanggol at nagbigay ng pahayag ay si Sen. Ping Lacson na sinabing, ang biggest asset ni Pacman ay ang puso nito.

“Sen Pacquiao is a good friend. He has given much honor to our country. He still has big dreams for the ordinary Filipino. He is one person always willing to learn the ropes of governance. His biggest asset is his “big heart” for the poor and downtrodden where he came from,” tweet kamakailan ni Sen. Ping.

Hati ang reaksyon ng netizens sa sinabing ito ni Sen. Ping. Ang iba ay umayon at ang iba naman ay tumutol.

Reaksiyon ng isang netizen, “Presidency is not the place to “learn the ropes of governance. 

“Having a “big heart and lots of dreams for filipinos” is not synonymous to COMPETENCE – something which I believe Pacquiao still lacks.”  

Sinagot naman ito ni Ping ng, “Kindly read again my tweet. I am simply describing the man. I can’t see anything wrong with uplifting a friend’s morale while facing some serious issues within his political party.”

Maricris V. Nicasio

About Hataw Tabloid

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Blind Item, Men

Aktor usap-usapan ang escapades sa mga gay designer at rich gays

HATAWAN!ni Ed de Leon USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang …

Andrew Schimmer Jho Rovero

Andrew nananawagan tulong sa asawa

HATAWAN!ni Ed de Leon NANANAWAGAN si Andrew Schimmer, na gumawa rin noong araw ng ilang …

Leave a Reply