Saturday , November 27 2021

Maxine nahirapang maging kontrabida

BINIBINING Pilipinas-Universe 2016 title-holder si Maxine Medina na ngayon ay desidido na sa pagiging artista. Gumaganap si Maxine sa First Yaya bilang kontrabidang si Lorraine Prado.

Paano ia-assess ni Maxene ang sarili bilang aktres? Paano niya pinaghandaan ang pagpasok sa showbiz?

“Actually ang difference po kasi ng pageant and being an actor is that you have more time to… aralin lahat kung anong kailangan mong gawin.

“Like, kunwari, sa role ko, this is new to me, being a kontrabida. So may time ako para aralin siya. Pero compared to pageants, you have minimum time like to, give it all. Just one snap, kailangan maibigay mo talaga lahat.

“Walang mali, kailangan perfect, everything. So one time, big time siya. But being an actor, it takes more time to, like being into that role na ibinibigay sa iyo.

“So for nae-enjoy ko siya ngayon kasi iba-ibang role ‘yung naibibigay sa akin.

“Like now, sobrang happy ako and blessed kasi ang dami ko ring natututuhan. Since , ako po kasi ‘yung taong, ang hirap magalit, ang hirap magbigay ng thoughts kasi very careful po ako, compared to my role now, is  sobrang galit ako, insecure ako,  tapos inilalabas ko talaga lahat.

“Well sa lahat ng ginagawa ko rito is with the help of direk LA. 

 “Natututunan ko siya along the way. Iyon po.”

 Magtatapos na sa Biyernes, July 2 ang First Yaya na leading man ni Sanya Lopez si Gabby Concepcion. Kasama rin nila sina Pancho MagnoPilar Pilapil , Gardo VersozaGlenda Garcia, at Sandy Andolong.

Ipinakilala naman sa First Yaya ang tandem nina Cassy Legaspi  at Joaquin “JD” Domagoso .

Nasa First Yaya rin sina Boboy GarovilloCai CortezKakai BautistaThia Tomalla, Anjo Damiles, Clarence Delgado, Thou Reyes, at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio, at Mikoy Morales.     

Ang First Yaya ay idinidirehe nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

Rommel Gonzales

About Hataw Tabloid

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Blind Item, Men

Aktor usap-usapan ang escapades sa mga gay designer at rich gays

HATAWAN!ni Ed de Leon USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang …

Andrew Schimmer Jho Rovero

Andrew nananawagan tulong sa asawa

HATAWAN!ni Ed de Leon NANANAWAGAN si Andrew Schimmer, na gumawa rin noong araw ng ilang …

Leave a Reply