Wednesday , September 28 2022

Juday parang dinagukan nang matapos ang serye sa Dos

NATAPOS na iyong seryeng ginagawa ni Judy Ann Santos sa ABS CBN at ngayon inaamin nga niya na noong mawala ang Kapamilya Network, hindi na rin niya alam kung ano ang mangyayari sa kanyang buhay. Para rin siyang dinagukan.

Ewan kung may iba pang ganoong deal, pero noon kasing napakatindi ng kasikatan ni Juday, naging wise ang manager niyang si Alfie Lorenzo. Hindi kagaya ng iba na nang sumikat ang kanilang artista ay sinamantala at humingi ng napakataas na talent fee, na siyang karaniwang ginagawa ng mga hindi nag-iisip.

Natatandaan namin ang kuwento noon ni Alfie, hindi mo alam kung hanggang kailan ang kasikatang iyan kaya ang mas dapat ay pag-aralan mo ang kinabukasan. Pumayag siya sa hindi masyadong mataas na talent fee ni Juday, basta hindi naman lugi. Pumayag din siya sa isang mahabang kontrata. Pero mayroon siyang nakuha. Iyon ay isang guaranteed contract. Ibig sabihin, wala mang gawing proyekto si Juday, babayaran pa rin ng ABS-CBN kung ano ang talent fee na napag-usapan.

Tinatanggap iyon ni Juday buwan-buwan.

Kaso talagang wala na rin iyon ngayon, dahil ang ABS-CBN ay wala nang franchise, kaya bilang network, legally iyon ay non-existent na, kaya tapos na rin ang lahat ng kanilang contractual obligations. Hindi namin alam kung may natitira pang panahon sa kontrata niya sa ABS-CBN, pero kung mayroon man maaaring hindi na niyon pananagutan ang guaranteed income. Talagang malaki ang mawawala kay Juday.

Eh sa panahong ito, wala namang matinong pelikula dahil sarado ang mga sinehan, at iyong inaasahan nilang herd immunity para mabuksan iyon ay baka daw sa 2023 pa dahil sa bagal ng dating ng mga bakuna, at pagtanggi ng ibang magpabakuna hanggang EUA lamang iyon ay wala pang kasiguruhan. Ibig sabihin, matagal pa rin bago maging normal ang industriya ng pelikula.

Ngayon, barya-baryang pelikula lang ang ginagawa dahil barya-barya rin lang naman ang kinikita nila dahil inilalabas nga lang sa internet. Eh hindi pa maganda ang internet dito sa Pilipinas.

Mabuti nga sina Juday may negosyong nasimulan bago ang never ending quarantine at malakas naman iyon dahil ayos ang kanilang mga ginagawang pagkain at sa suporta na rin ng kanilang  fans.

Ed de Leon

About Hataw Tabloid

Check Also

Piolo Pascual Rhea Tan Iñigo Pascual

Piolo masaya sa success ng anak na si Inigo

MATABILni John Fontanilla AFTER 2 years, muling humarap ang Ultimate Leading Man at award-winning Kapamilya actor na …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Andrea Brillantes Paul Salas

Andrea aminadong nagka-crush kay Paul Salas

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Andrea Brillantes, sinabi niya na at the …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Blind Item, Men

Self sex video at pictures sa mga beki may epekto sa career ni male star

ni Ed de Leon HINDI lang isang self sex video ang ginawa ng male star. Ang …

Leave a Reply