Saturday , November 27 2021

Donnalyn iginiit: wala akong pinabayaang mahal ko

NAKATUTUWA at kahanga-hanga o nakaiinis at nakamumuhi ang ginawa ng sikat na vlogger na si Donnalyn Bartolome na nitong panahon ng pandemya at noong mismong araw na yumao ang dating pangulong Noynoy Aquino, ibinando ang kabibili lang niyang high-end sports utility vehicle (SUV), isang Maserati na ang halaga ay ‘di bababa sa P8-M.

Noong Huwebes, June 24, ipinamarali ni Donnalyn sa social media  na bumili siya ng kanyang ikatlong luxury sports car na walang ginamit na cash.

Advance birthday gift daw n’ya ‘yon sa sarili, sa 26th birthday n’ya  sa July 9.

Aniya sa kanyang post, “I bought a dream vroom vroom y’all! ackk so beautiful!

“About a year ago I wanted to buy a Maserati but it wasn’t the right time.. it finally happened. An early bday gift to myself. Last na muna ‘to haha!

“Thank you Maserati Philippines for helping me find *The One.”

Maningning na dagdag n’yang impormasyon kung paano n’ya nabili ang sosyal na Maserati: “Sent them an email regarding vlogging my purchase months ago and on the day of my visit, I was greeted with a royal blue bouquet of roses~ they’re so sweet! I felt so special, I had no choice but to buy! Hahahaha!

“I love it cause blue roses symbolize achieving the impossible [blue heart emoji]”

At sa vlog naman n’ya ipinagmalaking Lyka gems ang gamit niyang pambayad sa mamahaling sasakyan. Puwede pa lang umabot ang halaga ng “gems” na ‘yon sa milyon-milyon! ‘Di nilinaw ni Donnalyn kung hulugan ang pagbabayad n’ya o one-time lang na panay Lyka “gems” ang ibinayad.

Ang isang Maserati Ghibli SUV ay nagkakahalaga ng mula P8-M hanggang P17-M, ayon sa research ng PEP. ph tungkol sa balitang ito.

Pero talagang may netizen na nabwisit agad sa masayang balitang Maserati ni Donnalyn.

Ilang oras lang pagka-post n’ya ng balitang ‘yon, isang netizen ang nagpasaring sa kanya na bumili nga siya ng mamahaling sasakyan samantalang ang lola raw niya ay hindi man lang matulungan.

Noong June 25 ng gabi, nagpaliwanag ang pamosang vlogger tungkol sa lola n’ya na umano’y inabandona niya. Lahad n’ya: “For those confused, 2 years ago, a reckless youtuber featured a distant relative, a lola, who I took care of and had my contact number to ask for help when she was struggling but chose to let an outsider use my name for attention so that her son talks to her again after her shortcomings.

“Instead of taking the wrongdoers to court, I forgave both of them with all my heart though it cost me my reputation and also my mental health for 1 year.

“That’s not why I’m triggered though, it’s the fact that because of what she (the lola) and the youtuber did, her relationship with her son was permanently damaged.

“I couldn’t fix it until her last breath. This was painful to bear.

“Kaya di ka dapat nakekeelam sa problema ng pamilya if you are not a part of it. Wag mo palalain.

“No to fake news. Be a responsible viewer.”

Banta niya sa bashers: “Anyone who writes anything libelous about me or any members of my family will regret it.

“Minsan ko lang unahin ang sarili ko. Gusto ko ipost kasi may ituturo ‘tong magandang asal sa followers ko. I reply to a lot of positive comments more than bad ones, don’t worry.

“I posted my new car that I waited to have for 8 years and also to promote my new vlog kasi nagtatrabaho akong tao.. then this guy starts spreading fake news.

“Wala pa akong pinabayaan na mahal ko sa buong buhay ko.

“Gusto ko sana kasuhan para alam natin that as viewers, we also have to be responsible. We have to know if it’s fake news or not, so pag fake news, don’t spread it. Be a responsible viewer.

“(if you know him pls wag niyo icomment name or pic niya).”

Kayo ba, humahanga o nabubwisit sa mga asta ni Donnalyn?

Danny Vibas

About Hataw Tabloid

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Blind Item, Men

Aktor usap-usapan ang escapades sa mga gay designer at rich gays

HATAWAN!ni Ed de Leon USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang …

Andrew Schimmer Jho Rovero

Andrew nananawagan tulong sa asawa

HATAWAN!ni Ed de Leon NANANAWAGAN si Andrew Schimmer, na gumawa rin noong araw ng ilang …

Leave a Reply