Friday , January 27 2023

3 tulak timbog sa Kankaloo (P.2-M shabu kompiskado)

BUMAGSAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga nang makuhaan ng mahigit sa P.2 milyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan city chief of police, Col. Samuel Mina, Jr., dakong 1:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Deo Cabildo ng buy bust operation sa C-3 Road, Brgy. 28.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Romel Oliva, alyas Balong, 37 anyos, isang markadong pusher, matapos bentahan ng P8,500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakompiska kay Oliva ang tinatayang 15 gramo ng shabu, may DDB standard value na P102,000, at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money.

Samantala, dakong 12:45 pm nang unang matimbog ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng NPD sa pangunguna ni P/Maj. Amor Cerillo, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Renato Castillo, sa kanilang buy bust operation sa Samson Road kanto ng Bugallon St., Brgy. 5 si Joan Tambasacan, alyas Ngero, 34 anyos, at Rizza Mae Nuñez, alyas Isay, 22 anyos.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive  Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Hataw Tabloid

Check Also

dead gun

Wanted patay sa engkuwentro

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa …

Electricity Brownout

Sistema ng NAPOCOR, Paurong – HATAMAN

Dahil sa paulit-ulit na brownout sa Basilan at sa iba pang maliliit na isla sa …

Sibuyas Onions

Kulang na cold storage, sanhi ng pagtaas ng presyo ng sibuyas

ITINURO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kakulangan ng mga pasilidad ng cold chain …

Koko Pimentel Bongbong Marcos

Pimentel kay FM Jr.:
MAGTALAGA NG REGULAR AGRICULTURE SECRETARY

NANINIWALA si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na pinahihirapan lang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos …

shabu drug arrest

‘Kristo’ tiklo sa buybust

HINDI nakapalag ang isang lalaki sa pag-aresto ng mga awtoridad nang masukol sa ikinasang drug …

Leave a Reply