Thursday , June 4 2026

1st dose ng bakuna tigil 2nd dose ng bakuna larga (Sa Parañaque City)

ITINIGIL pansamantala ng Parañaque local government unit (LGU) ang pagbibigay ng 1st dose ng bakuna kontra CoVid-19 kahapon, 29 Hunyo.

Ipinaliwanag ng Public Information Office (PIO), nakatuon sila sa pagbibigay ng 2nd dose ngayong buwan ng Hunyo dahil sa pagtaas ng demand ng mga magpapabakuna, kaya naghihintay pa sila ng karagdagang alokasyon ng CoVid-19 vaccine mula sa national government.

Mula sa 2,000 target mabakunahan kada araw sa vaccination sites, nalampasan  ito at umabot sa 3,000 kada araw.

Paunawa ng PIO sa publiko, palagiang mag-monitor  sa kanilang anunsiyo kung kailan ang muling schedule ng bakuna para sa 1st dose.

Sa ngayon, umabot sa 200,000 indibidwal ang bakunado mula sa target na 600,000 babakunahan sa lungsod ng Parañaque, na inaasahang matatapos sa buwan ng Setyembre.  (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …