MATAPOS pumutok ang balita tungkol sa pagkalagas ng daan-daang libong mamamayang Bombay sa India dahil sa CoVid-19, agad nagpalabas ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na nagbabawal sa pagpasok sa Filipinas ng lahat ng mga biyahero na manggagaling sa naturang bansa simula 29 Abril hanggang 14 Mayo.
Inilabas ang kautusan matapos mapabalita ang na-detect na panibagong variant ng CoVid-19 sa India na agad kumalat at tumama sa record na 350,000 katao kada araw.
Ito marahil ang pinakamalalang kaso ng paglobo ng nasabing sakit na umabot sa mahigit 18 milyon katao ang apektado.
“We will implement this measure seen by the IATF as our response to the emerging situation in India,” giit ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente. Ito ay matapos matanggap ng ahensiya ang direktiba ng IATF.
“The IATF deems that this proactive restriction must be put in place to slow down the surge in CoVid-19 cases, stop further spread of variants, and allow the health system to prepare, essentially protecting more lives,” dagdag niya.
Sinabi rin ng hepe ng Port Operations Division (POD) na si Atty. Carlos Capulong, ang nasabing ‘travel ban’ ay hindi magiging nationality-specific kundi applicable sa lahat ng mga biyahero na nagmula sa nasabing rehiyon.
“We are conducting 100% passport inspection to determine the travel history of an arriving person. If we see that the traveler has been to India within the last 14 days, then he will be excluded and boarded on the next available flight back to his port of origin,” ayon kay Capulong.
Dahil sa resolusyon ng IATF, inaasahang hindi mahihirapan ang mga nasa airport na bantayan ang pagdating ng mga Indian national dahil mismong ang mga airlines ay susunod sa gustong mangyari ng IATF.
Sa mga pasahero naman na darating bago ang 29 Abril, sila ay papasukin matapos sumalang sa mahigpit 14 days quarantine and testing protocols na ipatutupad ng ibang ahensiya ng gobyerno.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap