Thursday , April 25 2024

Sangkot sa Dacera case inimbitahan na ng NBI

PINAMAMADALI ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon kay Guevarra, umaasa siyang sa susu­nod na linggo o pagka­tapos ng 10 araw may­roon nang resulta ang isinasagawang parallel investigation ng NBI.

Kaugnay nito, sinabi ni Guevarra, nitong Lunes ay ipinatawag ng NBI ang mga indibidwal na nasa hotel na nakasama ni Dacera bago mama­tay.

Kasama ang mga indibidwal na nasa kabilang hotel rooms na naka-check-in noong naganap ang insidente, ipapatawag ng NBI para magbigay ng kanilang testimonya.

Madali umano silang makilala dahil nasuri na rin ng NBI ang mga CCTV footages sa hotel partiku­lar sa reception, entrance, lobby, corridor maging sa loob ng elevator.

Samantala, kasaluku­yan nang sinusuri ng forensic expert ang sample tissues na nakuha mismo ng NBI sa bangkay ni Dacera bago ito inili­bing nitong Linggo.

Sinabi ni NBI Spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin na dumating na nitong Linggo ang sample tissue at isasailalim na ito sa forensic examination.

Ang resulta ng imbestigasyon sa mga samples na nakuha ng NBI sa City Grand Hotel sa isinagawa nilang crime scene investigation ay asahan nang ilalabas sa susunod na linggo.

Tiniyak ni Lavin, sa pamamagitan ng imbestigasyon ng NBI, lalabas ang katotohanan kung ano talaga ang nangyari bago mamatay ang flight attendant.

Samantala, iniimbes­tigahan ngayon ng Philippine National Police – Directorate for Investigative and Detective Managament (PNP-DIDM) ang police officers ng Makati na nagsagawa ng imbesti­gasyon sa pagkamatay ni Dacera.

Aniya, aalamin ng PNP-DIDM ang mga naging lapses ng mga tauhan ng PNP Makati sa pag-iimbestiga sa krimen.

Sinabi ni PNP Chief Debold Sinas, binibigyan niya ang DIDM hanggang Miyerkoles o 13 Enero para tapusin ang imbes­tigasyon sa mga pulis sa Makati.

Ginawa ang imbestig­asyon sa mga pulis sa Makati matapos ang una nilang pahayag na gina­hasa si Dacera at pinatay sa kabila na walang nakukuhang matibay na ebidensiya.

Bago ito, una nang inutos ni Sinas na paganahin ang Special Investigation Task Force group kay Dacera na pinamumunuan ng PNP CIDG para mas matutu­kan ang kaso.

Ayon kay NCRPO chief, Gen. Vicente Danao, Jr., mas nagiging masusi ang ginagawang imbesti­gasyon sa ngayon at mas maiging hintayin ang resulta nito.

MAY KRIMEN
NA NANGYARI
SA DACERA CASE

TINIYAK ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, kaugnay sa ginagawang pagsusuri o awtopsiya sa bangkay ng flight attendant na si Cristine Dacera na mayroong ‘krimen’ na dapat suriin.

Ayon kay Lavin, mayroong indikasyon na may nangyaring krimen sa pagkamatay ni Dacera  na masaring isa o higit pa ang gumawa.

Sa ginagawang imbestigasyon ng NBI, sinabi ni Lavin mahigit sa 50% ng imbestigasyon nila sa kaso kasabya ang Philippine National Police (PNP) ay maituturing na case solve.

Sa ngayon, ayon kay Lavin wala pang classification ang NBI kung ito ay solve o unresolve pa ang kaso.

“Without commenting other investigation, our investigation will be very legal, thorough forensic base, this is evidence base so we will have scientific pieces of evidence, it will back up by CCTV, digital pieces of evidence, electronic pieces of evidence, it will back up by, hopefully a testimonial avidence,” pahayag ni Lavin.

“We have also some psychological assessment  going into their full range of forensic capabilities,” dagdag ni Lavin.

Hindi nagbigay ng time frame si Lavin sa ginagawang imbestiga­syon ng NBI ngunit tiniyak na tatapusin ito ng professional agents at forensic experts.

About Hataw Dyaryo ng Bayan

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *