Thursday , February 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng Draft Committee Report ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa imbestigasyon sa mga flood control projects, alinsunod sa karapatan ng sambayanang Filipino sa impormasyon ukol sa mga bagay na may pampublikong interes sa ilalim ng Article III, Section 7 ng Saligang Batas.

Naghain si Atty. Eldrige Marvin B. Aceron, kabilang sina Constitutional Commissioner Ed Garcia at National Artist Virgilio S. Almario ng petisyon matapos ilabas ng ilang media outlet ang mga detalye ng na-leak na draft report noong gabi ng 3 Pebrero 2026.

Nabatid sa nasabing nag-leak na borador na inirekomenda ng Blue Ribbon Committee, pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson, na sampahan ng kasong plunder at malversation of public funds ang ilang nakaupo at dating senador at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Kahapon, 4 Pebrero 2026, pormal na binawi nina Senador Juan Miguel Zubiri, Joseph Victor Ejercito, at Win Gatchalian ang kanilang mga lagda sa draft report — na siyang nagtulak sa kahilingan ng petisyon na obligahin ang tatlo na magsumite ng kanilang mga dahilan nang nakasulat.

Ang petisyon ay naglalaman ng anim na kahilingan, kabilang ang paglalabas ng buo at walang tinanggal (unredacted) na borador ng Blue Ribbon Committee Report.

Dapat panatilihin ang lahat ng bersiyon, kabilang ang orihinal na draft na pirmado bago ang tatlong pagbawi at obligahin sina Zubiri, Ejercito, at Gatchalian na ilahad nang nakasulat kung bakit nila binawi ang kanilang mga lagda.

Nais ng petisyon na magbigay ng isang certified true copy sa Ethics Committee para sa mga nakabinbing reklamo laban kina Escudero at Ejercito.

Bahagi ng panawagan ang pag-inhibit ni Ejercito sa lahat ng Ethics proceedings na may kinalaman kay Senador Escudero.

Makaraan ang 125 araw, nabigo pa rin ang Senate Committee on Ethics and Privileges, na pinamumunuan ni Ejercito, na magtalaga ng case number, magbigay ng anumang pagkilala (acknowledgment), at umaksiyon sa reklamo.

Noong 22 Enero 2026, naghain si Atty. Aceron ng ikalawang reklamo —  laban kay Senador Ejercito mismo — dahil sa Gross Neglect of Constitutional Duty sa kabiguang iproseso ang reklamo laban kay Escudero.

Maaaring sumali ang taong-bayan sa petisyon sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected] o pagtawag sa 0917 5919782.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Dyaryo ng Bayan

Check Also

Senate Senado

Lengguwahe ‘pinalambot’
Blue Ribbon Committee report walang binago sa rekomendasyon

ni NIÑO ACLAN MAS pinalambot ang lengguwaheng ginamit sa ilalabas na committee report ng Senate …

arrest, posas, fingerprints

Puganteng Ruso timbog sa Cagayan

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang Russian national na nakatalang wanted person sa regional level …

Swiss Knife Blood

Sa Baseco, Maynila
Binatilyo todas sa saksak ng isa pang menor de edad

BINAWIAN ng buhay ang isang 15-anyos binatilyo nang saksakin ng isang kapwa menor de edad …

PNP PRO4 Calabarzon

Sa CALABARZON
ANTI-ILLEGAL DRUG OPS ISINULONG P2.7-M ILEGAL NA DROGA NASAMSAM

CAMP BGEN VICENTE LIM — Malaki ang naging epekto ng ilegal na droga sa CALABARZON …

Arrest Posas Handcuff

Tirador ng mga karinderya sa Bulacan
HOLDAPER NAPERDE SA TUGIS NG PULIS

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang tirador ng mga karinderya sa …