Friday , May 27 2022

Vargas, handa na sa Kongreso

SA KABILA ng tinanggap na mga pagbabanta sa buhay, hindi aatrasan ni Quezon City Councilor PM Vargas ang hamon na maging bahagi ng Kongreso at tiwala sa mga naging karanasan mula sa kasalukuyang posisyon para higit na makapaglingkod.

Sinabi ni Vargas, itutulak niya sa Kongreso ang pagpapalakas ng mga lokal na pamahalaan upang higit na matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.

Magsusulong din aniya siya ng mga batas na magpapataas ng suweldo ng mga health worker at pagtaas ng antas at lakas ng serbisyo ng mga pampublikong ospital.

“Kailangan tayong mag-focus sa pandemic recovery at mabigyan ng kaukulang armas ang ating frontliners upang makaahon tayo nang sabay sabay. Importante sa akin ang pandemic preparedness, health services, job generation and social services,” ani Vargas.

Nagsilbi si PM Vargas bilang Chief of Staff ng kanyang nakatatandang kapatid na si Rep. Alfred Vargas na patapos na ang ikatlong termino kaya’t batid ng Konsehal ang mga regulasyon ukol sa paglikha at pagpasa ng mga batas.

Sa napipintong pagpasok sa Kongreso, handa si Vargas na makilahok sa mga talakayan ng komite sa Kapulungan upang mapabilis ang proseso ng pagsasabatas ng mahahalagang panukala.

“Ang importante ay may synergy at pagkakaisang-isip at puso para sa kapakanan ng mamamayan. Given a chance to lead a committee, I will make sure that the legislation will always be pro people,” ani Vargas.

Sa pamamagitan ni PM Vargas, naipamahagi ang aabot sa 272,388 family packs bilang CoVid-19 relief, gayondin ang mahigit 400,000 feeding beneficiaries sa Distrito 5. Mayroon din 21,335 natulungan sa livelihood programs, 18,124 ang natulungan sa pang-medical na pangangailangan at nalagyan ng libreng wi-fi ang 14 barangay hall noong panahon ng pandemya.

Si Vargas ang kasalukuyang nangunguna sa labanan sa District 5 ng Quezon City at nakatanggap ng endoso mula sa lahat ng sektor sa Distrito, kasama ang importanteng basbas ng Iglesia Ni Cristo.

Mga kalaban niya sa posisyon sina dating Congresswoman Annie Susano, Cathy Inday Esplana at Rose Nono Lin ng Pharmally na humaharap sa mga kaso sa Comelec.

Kompiyansa si Vargas sa suportang ipinakita ni Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at ng iba pang kasamang konsehal.

“Pero, ang pasasalamat ngayon palang ay para sa mga ka-Distrito na siyang nagpapakita ng patuloy at maigting na suporta,” dagdag ng konsehal.

About Hataw Dyaryo ng Bayan

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …