Monday , June 24 2024

Harry Styles inamin, relasyon sa kanyang direktor

KUNG umamin na ang mga bida sa naging napakasikat na Korean teleserye na Crash Landing on You na sina Hyun Bin at Son Ye-jin, ang napakasikat na British singer ngayon na si Harry Styles ay umamin din ilang araw lang ang nakalipas na girlfriend na n’ya ang direktora n’ya sa pelikulang kasalukuyan n’yang ginagawa, si Olivia Wilde.

Kahit sampung taon ang tanda ni Olivia kay Harry na 26 years old pa lang, at kahit na may dalawang anak na sa dating live-in boyfriend n’ya, matitigil siguro ang usap-usapang bading, kundi man bisexual, ang dating miyembro ng naging napakasikat na British boyband na One Direction.

At kaya naman napagdududahang bading si Harry ay dahil sa hilig n’yang magsuot ng mga damit na mukhang pambabae. Nito lang nakaraang Disyembre, nagsuot siya ng Gucci gown na pambabae sa cover ng fashion magazine na Vogue na siya ang kauna-unahang lalaki na inilagay sa cover nito.

Sa naging Billboard topnotcher na music video n’yang Watermelon High, nakasuot si Harry ng knitted sando na mukhang pambabae. Beach ang setting ng music video.

Actually, bago pa man mag-disband ang One Direction noong 2016, nagsimula ng magsuot si Harry ng mga outfit na mas makulay at mas may stylish na disenyo kaysa mga isinusuot na apat na kasama n’ya sa banda na ang bumuo ay si Simon Cowell, ang producer ng America Got Talent, na judge rin siya. (At sa British version ng show na-discover ni Simon ang mga kabataang lalaki na isinama n’ya sa banda. Kay Harry nanggaling ang pangalan ng banda, ayon sa mga nakaraang ulat.)

Sinadya nina Harry at Olivia na mabuko na ang relasyon nila. Nitong unang weekend ng 2021, dumalo silang magkasama at magka-holding hands sa kasal sa Los Angeles, California ng manager ni Harry. Labing-anim lang umano ang kinumbidang panauhin at kabilang nga silang dalawa.

Sa okasyong ‘yon, na sweet na sweet sila sa isa’t isa, ay ipinakilala ni Harry si Olivia bilang “my girlfriend.”

Don’t Worry Darling ang titulo ng pelikulang ginagawa ni Harry sa Los Angeles. Si Olivia nga ang direktora nito.

Ipinagbubunyi naman ng fans and showbiz friends ni Harry ang pagkakaroon n’ya ng girlfriend. Noong 2012 pa huling napabalitang nagka-girlfriend si Harry. At ‘yon ay walang iba kundi ang sikat na singer ding si Taylor Swift. Pero ilang buwang lang tumagal ang relasyon nila, ayon sa mga ulat mula sa Hollywood.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *