Thursday , June 13 2024

Pinoy Idols, sumasagip ng buhay ng tao at aso

MATITINDI talaga ang Pinoy idols. Ibang klase sila. Hindi sila sumasagip ng buhay sa pamamagitan ng pagpa-fundraising para ipantulong sa madla sa panahon ng kalamidad at pagdarahop na dulot ng pandemya, literal din silang sumasagip ng buhay ng isang tao na literal na nalulunod sa gitna ng literal na dagat.

Ganoon ang ginawa ni Rachel Peters, ang Miss Universe Philippines 2017 na sinuong ang malakas na alon para sagipin ang isang lalaki mula sa pagkalunod. Si Rachel ay isang avid surfer na professionally trained sa sports na surfing.

Sa pamamagitan ng pagsu-surf, sinagip ni Rachel ang isang lalaking pumalaot sa dagat sa Siruma, Camarines Sur. Mapag-aalaman sa paglaon na isang barbero pala ang lalaki na naglakas-loob mag-aral mag-surf ng walang kasamang gagabay sa kanya.

Kasama ni Rachel ang boyfriend n’yang si Camarines Sur Governor Miguel Luis “Migz” Villafuerte nang maganap ang pananagip ng dating beauty queen. Ayon sa ulat ay pinigilan ng governor ang girlfriend n’ya na pumalaot na dala ang sarili n’yang surfboard.

Nag-post si Gov. Villafurte sa Instagram n’ya ng litrato ni Rachel na hawak ang bagong aso na Pomeranian, katabi ang lalaking nasagip n’ya.

Caption ng governor sa post niya: “So proud of my girl @rachelpeters for saving this guy’s life who got caught in a strong riptide earlier! very close call [praying hands emoji]

“The ocean is a whole different world and learning surfing the right way, with the right people is the best way to know the ocean!”

Samantala, isang netizen naman, si Christopher A Dionisio, ang nag-post sa Facebook tungkol sa ginawang pagsagip ni Rachel sa lalaking tinawag niyang “Topheng,” isang barbero.

Sa caption ng netizen, sinabi nitong pinigilan ang former beauty queen na pumalaot pero dumiretso pa rin.

Ipinost din ng netizen ang kuha n’yang larawan ni Rachel habang lumalangoy sa dagat gamit ang surfboard sa kabila ng malakas na alon.

Sa isa pang larawan ay makikita kung paano naabot ni Rachel ang lalaki at saka sinagip.

Lahad ng netizen (published as is): “drowning barber X miss universe

dehins sya nagduwang isip guys na magbalik sa lineup para sagipun c topheng dawa may nagpupurugul saiya, nasa pang pang na sya pahawas na sya”

Pero pati ang mga hayop ay bale sinasagip din ng Pinoy idols.

Noong November 29 ay pumunta ang Kapuso actress sa shelter ng animal rescue group na PAWSsion Project sa San Jose del Monte City sa Bulacan para ibigay doon ang mga pagkain at iba pang supplies na naiwan ni Sunshine, ang pet poodle ng pamilya ni Gabbi sa nakalipas na 13 taon. Pumanaw si Sunshine noong November 18.

Kasama ni Gabbi ang kanyang pamilya at ang boyfriend niyang Kapuso aktor na rin na si Khalil Ramos.

I’m sure she’s smiling up there knowing that other dogs can enjoy her treats,” pahayag ni Gabbi sa kanyang Instagram post noong November 30.

Sa nasabing post, ibinahagi ni Gabbi ang mga litrato nila ni Khalil at ng kanyang pamilya nang bumisita sila sa animal shelter.

Saad pa n’ya: “This is our way of paying it forward because Shine filled us with so much love. Seeing all the dogs in the shelter made our hearts so happy.”

Ang animal shelter na dinayo ng pamilya ni Gabbi ang lugar na kinukupkop ngayon ang mga asong na-rescue ng PAWSsion Project boong October 21.

Nakatakda sanang i-euthanize, o isailalim sa mercy killing, ang nasa 100 aso sa city pound noong October.

Sa isang Facebook post, nanawagan ang PAWSsion Project sa publiko na mag-ampon o mag-sponsor ng rescued dog para mailigtas ang buhay ng mga ito.

Tumugon sa panawagang ito ang isa pang Kapuso actress, ang animal rights advocate na si Carla Abellana.

Sa katunayan, sa kanyang comment sa post ni Gabbi, nagpasalamat si Carla sa young actress sa ibinigay nitong donasyon sa animal shelter.

Ganyan katindi ang pagmamalasakit ng Pinoy idols.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

Elisse Joson McCoy de Leon

Elisse ipinagtanggol si McCoy: Don’t put him in a box, he’s a person not a label 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Elisse Joson ang pagma-marites sa kanya na umano’y cheater ang kanyang …

Klinton Start

Supremo ng Dance Floor Klinton Start gradweyt na sa kolehiyo 

MATABILni John Fontanilla NAGTAPOS na sa kolehiyo ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton …

Coco Martin Julia Montes

Tibay at pagiging open nina Coco at Julia pinuri ng netizens 

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang fans nina Coco Martin at Julia Montes dahil mukhang handa na ang mga itong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *