Sunday , June 16 2024

No city or municipal ordinance… ‘di maawat ang xmas party…

NABIBILANG na ang araw, PASKO NA! Kailangan ang mabilisang pagpapatibay ng isang ordinansa mula sa mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod o Pambayan na MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG CHRISTMAS PARTY o anumang mass gatherings at isasaad sa gagawing ordinansa ang mga magiging penalties o kaparusahan sa sinumang lalabag dito, dahil hindi ito sakop ng Nasyonal sa halip ay sakop ito ng lahat ng lokal na Pamahalaan!

Ang pagbabawal sa mga Christmas Party at anumang mass gatherings ay upang manatili sa ating bansa ang standing protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, face shields, at physical distancing. Dahil kapag pinayagan ang pagkakaroon nito ay hindi na matatapos ang paglaganap ng Covid-19 sa buong bansa dahil siguradong bawal  ang mass gatherings!

Posible din na pansamantalang ibalik ang modified community quarantine sakaling hindi nakagawa ng ordinansa ang lokal na Pamahalaan dahil naniniwala ang Palasyo na hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mass gatherings, at pag-iipon-ipon ng mga tao sa labas ng kanilang mga bahay.

Habang wala pang vaccine para sa Covid-19, dapat mag-ingat ang lahat dahil naranasan na natin ang naging epekto ng sitwasyong Pandemic! Mainam na manahimik na lamang sa ating mga bahay kasama ang sariling pamilya sa araw ng kapaskuhan!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Dapat lang sibakin si Migz

SIPATni Mat Vicencio WALANG ibang dapat na sisihin sa pagkakasibak ni Senator Juan Miguel “Migz” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

General lie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PINAKAWALAN sa Shangri-La Dialogue ng pinakamatataas na opisyal ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pananakit ng grupong MANIBELA kay Gonzales, kinondena ng QCPDPC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang balita o nangyari kahapon sa kapatid namin sa pamamahayag …

YANIG ni Bong Ramos

First class citizens sa PH

YANIGni Bong Ramos DARATING daw ang araw na ang mga ‘Intsik’ na ang mga first …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ang pagkakaiba ni suspended Mayor Guo sa traditional politicians

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAHIL ‘balik farm’ muna si Bamban (Tarlac) Mayor Alice Guo. Ha!? …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *