Wednesday , June 24 2026

Brad Pitt at Jennifer Aniston, nag-donate ng tig-$1-M sa isang racial justice organization sa Amerika

TUMATAGINTING na tig-$1-M ang magkasunod na idinoneyt ng dating mag-asawang Jennifer Aniston at Brad Pitt kamakailan sa Color of Change, isang bagong private charity organization sa Amerika para sa kapakanan ng mga tao roon na hindi Puti.

Naunang nag-donate si Jennifer, at nang nabalitaan iyon ni Brad, nag-pledge rin siya ng isang milyong dolyar sa organisasyon.

Ilang d’yaryo, TV news programs, at news websites ang agad nagbalita tungkol sa magkasunod na pagkakawanggawa ng dating mag-asawa.

Napabalita rin ‘yon sa social media networks, at wala namang netizens na nam-bash sa dating mag-asawa na nagpapasiklaban lang sila. Wala ring napabalitang iniuugnay ng netizens ang ginawa ni Brad bilang bahagi ng muling panliligaw sa dating misis.

Parehong diborsiyado na sina Jennifer at Brad sa mga pangalawang asawa nila pagkatapos nilang maghiwalay. Ang aktor na si Justin Theroux ang naging pangalawang mister ni Jennifer at si Angelina Jolie naman ang naging pangalawang misis ni Brad.

Ilang taon pagkatapos nilang maging diborsiyado sa pangalawang asawa nila, napabalitang sinusuyong muli ni Brad si Jennifer.

Ayon sa mga ulat at tsismis sa Amerika, hangga’t maaari ay umiiwas si Jennifer na mapabalitang kasama n’ya si Brad. May mga usap-usapan na naiinis at nanggigigil sa galit si Angelina sa tuwing may nauulinigan siyang tsismis na nagkasama sina Jennifer at Brad sa kung saan man.

Naganap ang pagpe-pledge ni Brad ng donasyon na $1-M pagkagaling n’ya sa bahay ni Jennifer matapos silang magkita sa isang protest rally tungkol sa racial discrimination sa Amerika. Pero kahit napabalita ang pagdalaw na ‘yon ng actor sa aktres, parang walang lumabas sa regular media at sa social media ng litratong magkasama sila sa loob ng bahay o bakuran ng bahay ng aktres.

Wala pa ring balita tungkol sa reaction ni Angelina sa pagbisita ni

Brad kay Jennifer, pero malapit na rin naman uli ang aktor kay Angelina dahil sa mga anak nila. Nagpa-party pa nga noong nakaraang buwan si Brad para sa 14th birthday ng anak nilang si Shiloh na lumalaking isang tomboy kaya’t malapit siya sa kanyang ama. (Marami ang nakapupunang mas kamukha ni Shiloh si Brad kaysa kay Angelina. Si Shiloh ay isa sa tatlong biological children sa anim na anak ng dating mag-asawa. Ang tatlo ay mga ampon.

Samantala, ang pagdo-donate nina Jennifer at Brad sa mga organisasyong tumutulong sa mga Amerikanong ‘di Puti ay resulta ng pagkamatay ng Black man na si George Floyd. Kabilang si Jennifer sa mga nagpetisyon na arestuhin at kasuhan ang lahat ng pulis na sangkot sa panghuhuli kay Floyd kahit isa lang sa mga ito ang tinapakan sa leeg ang nakahandusay na si Floyd na siyang ikinamatay.

Marami pang ibang kaganapan sa Amerika na kinasasangkutan ng Hollywood idol para sa kapakanan mga mamamayan doon na biktima ng racism ng mga Puti.

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …