Sunday , October 13 2024

Ellen Adarna, kapani-paniwala bang ‘di atat bumalik sa showbiz?

KAHIT na sa Cebu naninirahan ang starlet na si Ellen Adarna, may nagdi-digital (online) interview pa rin sa kanya mula noong nagpakaaktibo na naman siya sa Instagram n’yang @ma.elena.adarna.

Tiyak na pinlano n’yang maging aktibo sa social media sa panahong slim na siya at seksing-seksi na uli. At talaga namang ibinabalandra n’ya ang sexy pictures n’ya na labas ang cleavage at mga hita n’ya.

Minimal dressing siya palagi. Tipid na tipid sa tela!

At dahil hiwalay na sila ni John Lloyd Cruz, laging itinatanong sa kanya kung kailan siya magbabalik-showbiz.

Ang lagi n’yang sagot sa ngayon ay “after seven years,” ‘pag medyo malaki na si Elias Modesto, ang ngayo’y magtu-two years old pa lang na anak nila ni John Lloyd.

Gusto kasi n’yang maging hands-on mother sa paslit sa formative years nito. Hindi naman siya sabik na magbalik-showbiz.

Wala naman silang custody problem ni John Lloyd kaugnay ng anak nila. Co-parenting sila. May mga araw na nasa poder ni John Lloyd ang bata, at mas maraming araw siguro na nasa piling ito ng kanyang ina.

Mas naglalabas ng litrato sa social media si John Lloyd kaysa kay Ellen na kasama ang anak nila. Kahit na inaamin naman ni Ellen na isa na siyang ina, ayaw n’yang ibinubuyangyang ‘yon sa pamamagitan ng mga larawang kasama n’ya ang kanyang anak. Mas gusto pa n’yang ibalandra ang katawan n’yang kaunti lang ang saplot.

‘Di kapani-paniwalang ‘di siya sabik na sumabak sa showbiz uli. Parang kaya lang n’ya sinasabi ‘yon ay dahil wala pa siyang offer. At wala siyang offer hindi naman dahil sa community quarantine. Kung may gusto nang kumuha sa kanya, ngayon pa lang ay ikokontrata na siya, papipirmahin na siya, aalukin na ng role, padadalhan na ng script, para oras na sabihin ng Malakanyang na pwede nang magsyuting ang mga pelikula at teleserye, handa nang gumiling ang kamera.

Dahil parang starlet pa lang ang kategorya ni Ellen, parang ni wala siyang kontrata sa ABS-CBN para sa pagiging semi-mainstay n’ya noon sa weekly sitcom na Home Sweetie Home, na roon sila nagsimulang maging close ni John Lloyd. ‘Yun ang show na iniwan nila noong magsimula silang mag-out-of-town na magkasama at mag-post sila ng mga litrato ni John Lloyd na mukhang lasing na lasing. ‘Yun ang panahong pareho silang mahilig sa alak.

Nagsisimula nang i-revive ng ABS-CBN ang career ni John Lloyd bago dumagsa ang corona virus sa bansa. Nakapagsimula siyang magsyuting ng pelikulang Servando Magdamag na pinagtatambalan nila ni Shaina Magdayao na idinirehe ni Lav Diaz. 

Walang balitang kinausap na ng Kapamilya Network si Ellen para sa kahit na anong proyekto. At mukhang inis na inis si Ellen kay John Lloyd ngayon, batay sa mga pahayag n’yang, “two years akong parang nasa Black Hole, two years akong depressed.”

Two years silang nagsama ng aktor na bale inagaw lang n’ya kay Angelica Panganiban.

Inis at galit siya kay John Lloyd dahil may showbiz career na ito uli at siya ay wala pa.

Kung nagmamalasakit si Ellen sa anak nila, sana ay itigil na n’ya ang pagpo-post ng mga larawan niya na posibleng ikahiya ng anak nila ‘pag nagkamalay na ito.

Ilang araw lang ang nakararaan ay nag-post si Ellen ng video na nagpa-piano siya na parang lasing na lasing. May netizens na pinuna ang hitsura n’yang ‘yon.

Sumagot naman si Ellen na ‘di naman siya lasing. Matagal na raw siyang ‘di nakatitikim ng alak. Pagkatapos pa raw ng community quarantine siya iinom uli.

Ang emosyon lang ng kantang The Scientist ng bandang Coldplay ang ipinu-project n’ya dahil ‘yon ang tinutugtog n’ya sa piano.

Harinawa’y ‘yon ang totoo.

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star aasa sa tulong ni gay friend sa pagpasok sa politika

ni Ed de Leon KAYA pala nag-file ng COC ang isang male star ang akala niya ay …

Mark McMahon

Mark McMahon balik ‘Pinas

HATAWANni Ed de Leon NAGBALIK na pala si Mark McMahon, matagal din siyang nawala at walang …

Julie Anne San Jose Church

Julie Anne ‘di dapat sisihin, Sparkle at organizer may pagkukulang

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng Sparkle ang kasalanan sa nangyari kay Julie Anne San Jose na kumanta sa …

Cecille Bravo RS Francisco

Ms. Cecille Bravo, planong magprodyus ng pelikula kasama si RS Francisco

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BILANG pagkilala sa kakaibang suporta at kabaitan sa mga member …

kylie Robin Padilla Aljur Abrenica

Kylie may patama kay Aljur — a great leader is a man who can lead his family

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, grabe pero sapul na sapul nga yata si Aljur Abrenica sa cryptic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *