Thursday , June 4 2026
Kelsey Merritt
Kelsey Merritt

Pinay na model ng Victoria’s Secret, kapitbahay na ni Beyonce

SOSYAL na sosyal na pala talaga ngayon ang kauna-unahang Pinay na opisyal na miyembro ng Victoria’s Secret Angels na si Kelsey Merritt. Kapitbhay na siya nina Taylor Swift, Justin Timberlake, Meg Ryan, Beyonce, at Jay Z sa isang apartment building sa Tribeca, New York.

Aniya sa isang Instagram post n’ya ilang araw lang ang nakaraan: “From Chelsea to Tribeca. So excited I’m moving in my new apartment today!!!”

Mukhang malaki at maluwang naman ang apartment na nilipatan n’ya.

Kamakailan lang ‘yung unang grandeng pagrampa n’ya sa isang prestigious Victoria’s Secret fashion show.  Nag-upload din siya sa Instagram n’ya ng mga video ng pagrampa n’ya sa iba’t ibang fashion show nito.

Sabi n’ya sa caption ng video: “The moment you see yourself on TV. Ahhhh!!! So happy I get to share this moment with my girls.” 

Sa Pampanga ipinanganak at lumaki si Kelsey pero sa Ateneo de Manila University siya nagtapos ng college noong 2015.

Noong 2016 lang siya sa US nag-apply sa ilang modelling agencies sa New York at pinalad nga siyang i-sign up sa paglaon ng world-famous na Victoria’s Secrets.

Mukhang mahusay na rin siyang mag-Ingles ngayon na may American accent. Naipagtapat n’ya minsan sa isang interview sa isang magazine sa US na noong nag-aaral pa siya sa Ateneo, halos napapahiya siya na mas mahusay pang magsalita ng Ingles na may American accent ang mga kaklase n’yang Pinoy na Pinoy.

Noong nasa Pilipinas pa siya, alam n’yo bang isa sa napagmodelohan n’ya ay ang mga audio-visual presentation ng Will Tower ni Willie Revillame?

Noong unang napabalitang pinapirma na si Kelsey ng Victoria’s Secret, ipinost ni Willie sa Facebook ang isa sa audio-visual production para sa sales and marketing ng condominium building tower na ‘yon na si Kelsey ang model.

Naipagtapat din nga pala ni Kelsey sa mga interbyu sa kanya sa US media na nananatili pa rin siyang madasalin. Bago nga siya mag-audition noon para sa Victoria’s Secret, naghanap siya ng chapel na mapagdadasalan. Pagkatapos n’yang mag-audition, nanalangin na naman siya uli na sana ay matanggap siya. (BIhira ang Catholic church and chapels sa Amerika dahil higit na mas maraming Protestante roon kaysa Katoliko.)

Siguro naman, kayang-kaya na ngayon ni Kelsey na magdasal kahit na wala siya sa harap ng altar. Dama na siguro n’yang ang Diyos ay nasa kalooban ng bawat isa sa atin, kaya pwede naman tayong makipag-ugnayan sa Diyos anumang oras at saan­man.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …