Monday , May 20 2024
Diego Loyzaga
Diego Loyzaga

Diego, 2 linggo o higit pa na mananatili sa isang pribadong institusyon

HALATA mong ginagawa nila ang lahat ng damage control sa paghahangad na maisalba si Diego Loyzaga sa posibleng negatibong epekto ng mga naglalabasang balita tungkol sa kanya. Bagama’t noong bandang huli ay natahimik na nga ang mga media na kanilang “napakiusapan”, at dahil wala rin namang makuhang bagong impormasyon, paano nga ba ipaliliwanag kung tumagal na mawala siya sa kanyang ginagawang serye?

Mukhang wala ring saysay iyong pinalabas sa isang radio program na umano ay nag-deny si Diego mismo sa pamamagitan ng text sa telepono ng mga naunang balita. Iyong mga nakaaalam ng kuwento, alam na hindi magsasalita si Diego o sino man sa kanyang pamilya. Hindi sila aamin, pero wala rin naman silang planong gumawa ng denial.

Iyong mga hindi sanay sa damage control, ang unang iniisip ng mga iyan ay denial. Pero kung ang handler ay sanay sa damage control, hindi ganyan ang gagawin. Kasi ano pa ang magiging kredibilidad nila pagkatapos niyon? In the first place, ni hindi na yata nila alam kung ano pa ang mga sumunod na pangyayari.

Matapos ngang ilabas si Diego sa St.Lukes, pansamantala siyang inilipat sa isang higit na pribadong institusyon para makapag­pagaling pa siya nang lubusan bago humarap na muli sa camera.

Sinasabi nilang mga dalawang linggo, o baka higit pa ang kanyang ilalagi roon para nga mas maka-recover pa siya sa mga nangyari. Wala namang malubha. Ayos lang naman ang lahat. Sinisiguro lamang nila na walang magiging komplikasyon ang nangyari.

Kung iyan ba naman ganoon na lang ang sinasabi eh, tutal wala namang masama. Mas magiging credible pa sana ang kanilang ginagawang damage control. After all “napakiusapan” na rin naman nila ang karamihan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Bagong imahe ni Baron, ipinangangalandakan sa social media

Bagong imahe ni Baron, ipinangangalandakan sa social media

About Ed de Leon

Check Also

Diwata Mystica

Diwata tinawag na papansin at laos si Mystica

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan at na-beastmode ang viral pares vendor na si Diwata sa panlalait sa …

Joshua Garcia Anne Curtis

Joshua sa pakikitambal kay Anne, nakatitiyak pagganda ng career   

HATAWANni Ed de Leon MAS mabuti pa ang lagay ngayon ni Joshua Garcia, at least mayroon …

Alden Richards Kathryn Bernardo Kuya Kev Ate Shenen

Alden part na ng family ni Kathryn, present sa despedida

HATAWANni Ed de Leon ABA tingnan ninyo present din si Alden Richards sa despedida para sa kapatid …

Rica G Dayo Vivamax 11 Million

Rica Gonzales, masayang maging pantasya ng mga suki ng Vivamax 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABIS ang pasasalamat ni Rica Gonzales na napabilang siya sa 11 baguhan at naggagandahang sexy …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *