Monday , October 25 2021
100118 Precious Hearts Romances Los Bastardos Jake Cuenca Albie Casino Diego Loyzaga Marco Gumabao Josh Colet
100118 Precious Hearts Romances Los Bastardos Jake Cuenca Albie Casino Diego Loyzaga Marco Gumabao Josh Colet

Titulo ng bagong serye sa Dos, tunog nagmumura

SERYOSO kayang itutuloy ng Kapa­milya Network ang seryeng Los Bastardos?

Ang sama ng titulo, eh! Tunog nagmumura!

“Bastardo” o “bastarda” ang lumang tawag sa mga anak sa labas, o mga anak na ‘di produkto ng babae at lalaking ‘di kasal sa isa’t isa.

“Bastard” ‘yon sa Ingles, at ‘di na rin nga ginagamit ngayon ang salitang Ingles na ‘yon. Pati nga yung “child out of wedlock” ay ‘di na rin ginagamit. “Love child” na ang tawag sa mga batang hindi nabasbasan ng kasal ang mga magulang.

Maraming bastardo at bastardang showbiz idols. Para nga ‘di sila matawag na “bastards” o “love children,” idini-describe nila ang kanilang mga sarili na “anak sa second family” kahit na pangatlo o pang-apat na pamilya na sila. ‘Di kasal sa isa’t isa ang mga magulang nila.

‘Di kaya alibadbaran ang showbiz idols na “love children” naman talaga in real life?

Actually, ang buong titulo ng upcoming teleserye ay Precious Hearts Romances: Los Bastardos. At ang mga bida rito ay sina Jake Cuenca, Albie Casino, Diego Loyzaga, Marco Gumabao, at Josh Colet. 

Si Ronaldo Valdez ang gaganap na ama nila—pero mukhang magkakaiba ang mga ina nila, kaya sila binansagang “bastardos.” Pag-aaway-awayan ng mga bastardo ang kayamanan ng kanilang ama.

Dalawa sa leading ladies sa serye ay ang Miss International 2016 na si Kylie Verzosa at ang Bb. Pilipinas-Universe 2016 na si Maxine Medina. Pero leading ladies din ng “bastardos” sina Ritz Azul, Jane Oneiza, Mica Javier, at  Majoy Apostol. 

Sometime in October magsisimulang ipalabas ang serye, ayon sa isang report sa ABS-CBN News website. 

Napaaprub na kaya sa Movie and Television Review and Classification Board ang buong titulo ng serye?

Natutuwa kaya sina Jake, Diego, Albie, Marco, at Josh kung sa mga write-up sa kanila ay tawagin silang mga bastardo?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding Ring

Tom at Carla opisyal ng mag-asawa

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL ng mag-asawa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kahit makulimlim ang panahon, natuloy …

Ara Mina, Dave Almarinez

Ara suportado ang asawang si Dave Almarinez

I-FLEXni Jun Nardo ITINAYA ni Ara Mina ang pangalan niya na hindi magsisisi ang mamamayan sa lone …

Blind Item, Men

Male starlet pinagpasasaan ng sakrekwang kalalakihan

NAGULAT kami roon sa nakita namin sa aming newsfeed noong isang araw sa isang social media …

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding

Kasalang Tom & Carla napaka-pribado

HATAWANni Ed de Leon MAGKASAMA ang dating mag-asawang sina Rey PJ Abellana at Rea Reyes, sa paghahatid sa …

Mel Sarmiento, Kris Aquino

Kris Aquino inalok na ng kasal ni dating DILG Sec Mel Sarmiento

ni MARICRIS VALDEZ NAGULAT ang lahat sa bagong pasabog post ni  Kris Aquino sa kanyang Instagram, ito ay …

Leave a Reply