Sunday , August 14 2022
Jaclyn Jose, Andi Eigenmann, Albie Casiño

Jaclyn halos maghuramentado, pagdakdak ni Albie pinatitigil

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MAY gawin kaya kay Albie Casiño ang mga namamahala sa ongoing na Pinoy Big Brother 10 dahil sa ‘di umano pagsasabi ng totoo na ‘di nag-apologize ni Andi Eigenmann sa kanya noong ipinamarali nitong siya ang ama ng ipinagdadalantao noong 2011. 

Si Albie ay kasalukuyang celebrity contestant sa PBB.

Eventually, kinorek din naman ni Andi na si Jake Ejercito ang ama ng nasa sinapupunan n’ya. 

Pero tunog napakahambog ni Albie sa interview n’ya sa Kumu, na sinabi nga n’yang never nag-apologize sa kanya sino man tungkol sa umano’y pambubuntis n’ya kay Andi na ayaw n’yang aminin. Parang hinihiya n’ya talaga si Andi na tinawag pa n’yang “super fat!”

Halos maghuramentado nga ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose sa mga idinakdak ni Albie. Tinawag pa ni Jaclyn ang atensyon ni Lauren Dyogi na siyang namamahala sa PBB. Hiling ni Jaclyn na patigilin ni Lauren si Albie sa pagdakdak, kundi ay ibubulgar n’ya umano silang lahat. 

Ibinulgar na nga ni Jaclyn na “binugbog” ni Albie si Andi noon kahit alam na n’yang buntis ito.

Naglabas ng ebidensiya si Stevie Eigenmann, half-sister ni Andi, na humingi ng tawad ang aktres kay Albie. 

Nahanap ni Stevie sa Twitter ang “pag-uusap” nina Andi at Albie last year. Ipinost ni Stevie sa Instagram Story n’ya noong October 30 ang screenshot ng mga mensahe nina Andi at Albie sa isa’t isa. 

Bagama’t wala mang binanggit na pangalan si Stevie sa caption sa Instagram Story n’ya, kitang-kita ang pangalang “Albie Casiño” sa screenshot na ipinost ni Stevie. 

Mababasa sa screenshot na personal na humingi ng tawad si Andi kay Albie nang magkita sila sa isang bar sa Bonifacio Global City ilang taon na ang nakararaan.

Bahagi ng mensahe ni Andi kay Albie (unedited): ”You even hugged me after I said sorry to you at pool club X years ago and said that it was ok [emoji].”

Pagkasabi niyon ay muling nag-apologize si Andi sa mga naganap sa kanila ni Albie.

Aniya (unedited): ”Awww but regardless, (just incase you don’t remember), i can defend myself to others had i ever wished to do so, but it doesn’t mean you don’t deserve a better apology.

“The person you met once before was very young, and lost, and quite obviously a completely different person from who I am today, so on behalf of the old me, i apologize, albie!

“Sorry for all that volatility I may have caused you in the past, and for being so young and naive, dragging you into something you were never supposed to be a part of.

“I sincerely hope that you too, are in good place right now, and that you and your family are well and great. Hope that we can put that behind us now. All the best to you!”

Makikita sa screenshot ang sagot (unedited) ni Albie kay Andie: ”Yo I remember that to the tee you hit me with ‘masaya ka na Hindi sayo’

“I never asked for an apology and I never really needed one. I dint mean any ill will with the post that’s why I cropped you out of it. 

“I thought it was hella funny, I look at it like we’ve both moved on and we’re both different people now.

“I just thought I’d have a laugh about it, cuz if we can’t laugh about our past hardships in life it’s kinda like being a slave to the moment still.

“Again no ill will or hard feelings, congrats on the baby.”

Paano kaya ipagtatanggol ni Albie ang sarili sa kasinungalingang pinalaganap n’ya? 

Didisiplinahin kaya ng PBB si Albie sa pagsisinungaling nito? 

Aantabayanan namin ang magiging reaksiyon ni Albie at ng pamunuan ng PBB sa “resibong” ibinalandra ni Stevie.

Samantala, si Stevie ay ang nag-iisang anak ni Mark Gil kay Maricar Jacinto, ang live-in partner ng aktor noong yumao ito noong 2014 sa sakit na kanser.

About Danny Vibas

Check Also

Imee Marcos Maid in Malacanang

Maid in Malacanang patuloy na pinipilahan; Sen Imee tiyak ang pagtulong sa industriya

COOL JOE!ni Joe Barrameda TULOY-TULOY ang mga nanonood ng Maid In Malacanang na tumatabo sa takilya. Ang …

Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa …

Sean de Guzman Cloe Barreto

Sean de Guzman, nagulo ang buhay dahil kay Cloe Barreto

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LANGIT sa kama ang mararanasan ng isang lalaki kasama ang …

ABS-CBN TV5 MVP Mediaquest Mark Lopez Carlo Katigbak Jane Basas Al Panlilio

Pagsasanib ng ABS-CBN at TV5 pinalawak pa: Investment signing agreement sinelyuhan 

LEVEL-UP na ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5 matapos ang naganap na contract signing para sa isa na namang …

Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, …