Thursday , December 9 2021
Christine Bermas, Kit Thompson

Christine Bermas, pinaghandaan ang pagpapa-sexy sa Moonlight Butterfly

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LAUNCHING movie ni Christine Bermas ang Moonlight Butterfly mula sa pamamahala ng batikang direktor na si Joel Lamangan.

Aminado si Christine na magkahalong matinding saya at excitement ang naramdaman niya nang sabihin ng kanyang manager na si Ms. Len Carrillo na tatampukan ng dalaga ang naturang proyekto at ito ang magiging launching movie niya.

Masayang saad ni Christine, “Sobrang happy ko po and excited noong sinabi po sa akin ni Nanay Len that I have a launching movie and I am very thankful kay Nanay Len talaga.”

Bata pa lang daw ay pangarap na niya ang mag-artista.

“Noon ko pa po pangarap mag-artista kaya talagang willing po talaga akong maghintay na dumating ang break ko. Bale, sixteen po ako nang sumali sa Circle of 10 contest sa Palawan, doon po ako na-discover ni Nanay Len, then isinali niya po ako sa Belladonnas,” aniya patungkol sa kanilang all-female sing-and-dance group.

Nagkuwento rin siya sa kanyang role sa movie.

Saad ng aktres, “I’m playing the role of Eunice po, a charming prostitute, the hottest GRO in Angeles City. Eunice is a very smart girl dito, tito. That’s why foreign guests love her po and mayroong tatlong lalaki sa buhay niya.”

Pagpapatuloy ni Christine, “She’s doing everything for her mom na may sakit at kailangang magpa-dialysis and sa brother niyang nursing student. Sa movie ay dream ko pong maging lawyer, kaya nagsumikap mag-aral ng Political Science, pero hanggang freshman lang at nag-drop din po ako sa college.”

Tatlo ang leading men dito ni Christine, sina Kit Thompson, Albie Casiño, at Ivan Carapiet. Tampok din sa pelikula sina Jim Pebanco, Tanya Gomez, Jolo Estrada, at Quinn Carrillo,

Ano ang masasabi niya sa kanyang co-stars sa movie at kay Direk Joel?

Esplika ng magandang aktres, “Masasabi ko sa lahat ng co-stars ko, sobrang galing nila and mafi-feel mo ‘yung connections ng each and everyone’s character.

“Sa three leading men ko, wala akong masabi kundi talagang sobrang husay po nilang tatlo,” nakangiting pakli pa ni Christine.

“Kay direk Joel po, sobrang dami kong natutuhan sa kanya. If what he says, then do it correctly and exactly. Kailangan din na marunong kang makinig and umintindi, he always push you para mas maging better ka.”

May ibinigay bang payo sa kanya si Direk Joel para mas maging effective ang performance niya rito?

“Opo, before we start ay minotivate niya na po ako, I need to listen to what he is saying, instructions and everything… and sabi niya po, ‘Dapat, if you enter this room, you’re not Christine anymore. Rather, you are Eunice, act natural, be natural…’ And iyong presence is very important and focus po,” paliwanag pa ni Christine.

Paano niya ide-describe ang kanyang love scene kina Kit at Albie?

“Iyong kay Albie po, unexpected things to happen… kay Kit naman, you’re expecting it pero sobra pa pala sa inaakala mo, hahaha!”

Kinabahan ba siya sa mga love scene niya rito?

Tugon ni Christine, “Hindi po ako kinabahan sa mga love scene namin… kasi po, noong pumunta po ako roon sa shooting, talagang ini-ready ko na totally ‘yung sarili ko po. Inisip ko na lang na kung kaya nila, kaya ko rin po, hahaha!”

Ang Moonlight Butterfly ay prodyus ng 3:16 Media Network Productions, headed by Ms. Len Carrillo and Melo Uy.

About Nonie Nicasio

Check Also

Bea Alonzo Alden Richards

Alden last movie ang pagsasamahan nila ni Bea

RATED Rni Rommel Gonzales TAOS-PUSONG nagpapasalamat si Alden Richards sa lahat ng tumutok sa pagbabalik ng kanyang …

Bianca Umali Halfworlds HBO

Pagbibida ni Bianca sa HBO series ‘di pa nagsi-sink-in

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Bianca Umali na tapos na ang shooting nila para sa season …

Marian Rivera Dingdong Dantes Miss Universe Israel

Marian mugto ang mata nang umalis; 10 maleta at 20 gowns bitbit pa-Israel

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI napigilan ni Marian Rivera na maluha nang magpaalam siya sa mga anak …

Andi Abaya Joaquin Domagoso

Joaquin at Andi panalo sa pagpapakilig

HARD TALKni Pilar Mateo NAKARAY ako na panoorin ang full length movie ni Joaquin Domagoso na Caught InThe Act na ipinareha siya …

Marco Sison, Rey Valera, Dulce, Parol, bibingka at puto-bumbong

Parol, bibingka at puto-bumbong nina Marc, Rey, at Dulce extended

HARD TALKni Pilar Mateo KUNG tatanungin ang bawat isa ng mga hindi nila makalilimutang Pasko …