Wednesday , October 27 2021

Naudlot na honeymoon nina Anne at Erwan, haharapin na

READ: Pagpuputol ng puno ni Diego, inintriga

NAKADALAWANG concert na si Anne Curtis sa Araneta Coliseum, at parehong hit iyon. Ngayon inihahanda niya ang ikatlo, iyong Anne Kulit, Promise Last na Ito, sa August 18, bilang celebration din ng kanyang 21 years sa showbusiness. Pero bakit nga ba “last na ito”?

“When I first had a concert, talagang subok lang. It was a hit, kaya nasundan ng isa pa. After that I think I had more than enough. Hindi naman ako singer talaga. TV host ako and an actress. Iyong singing kakulitan lang talaga na I just want to try out of my kakulitan. I even made an album, at nakatutuwa naman na ang ginawa kong album naging platinum.

“I can’t even believe, bakit nila ako pinanonood sa concerts? Bakit nila binibili ang album ko? Pero ganoon ang nangyari eh.

“Ngayon ayoko na rin talaga sana, pero si Boss Vic ang may gusto, kasi nga 21 years na ako sa showbusiness and he feels magandang celebration iyong magkaroon ulit ng concert, pero sabi ko nga promise last na talaga ito. Kasi ang totoo gusto ko ring mag-concentrate talaga sa movies, sa pagiging isang actress at pagiging isang TV host, which I feel I can do better,” sabi ni Anne.

Paano kung maging hit iyang sinasabi niyang last concert niya, na certainly nga ay hit na dahil lahat halos ng kanyang VIP tickets ay sold out na after three days lamang ng bentahan niyon?

“Honestly, that I don’t know. Alam mo naman kung maging hit ka, they will ask for more. Pero kung ako nga ang tatanungin, I think I’ve had enough.

“Gusto ko rin namang bigyan ng time ang family ko. After this concert, and before the start of the promo of my festival movie, bibigyan ko naman ng panahon ang asawa ko. Kanina nga tumawag siya sa akin, asking me, when can we have dinner at home, iyong tayong dalawa lang. I told him tatapusin ko lang lahat ito, and then I will give him my time.

“One year na ngang delayed iyong honeymoon namin, which we want to do during these work breaks that I have. We intend to go to South Africa. We will make time for each other naman,” sabi ni Anne.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Check Also

Aljur Abrenica, Kylie Padilla

Kylie hinamon si Aljur: Let’s do it in court

KITANG-KITA KOni Danny Vibas “LET’S do it in court na lang kung gusto mo ng …

Liza Diño, Teofista Bautista

Chair Liza nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang Lola Teofista

Rated Rni Rommel Gonzales NAGLULUKSA ang Chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza …

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Ping Lacson

Joey sinupalpal mga nagkakalat ng fake news; Solid Ping-Sotto tandem

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKATIKIM ng supalpal mula kay Joey de Leon, Eat Bulaga host ang mga …

Kris Aquino, Mel Sarmiento

Kris tinanggap ang alok na kasal ni Sarmiento; Mga kaibigang celebrities kinilig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI pa tapos ang pagpapakilig ni Kris Aquino sa kanyang fans dahil …

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding Ring

Tom at Carla opisyal ng mag-asawa

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL ng mag-asawa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kahit makulimlim ang panahon, natuloy …

Leave a Reply