Wednesday , October 9 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P.5-M suhol sa PNP commander para hindi ‘maipatapon’ sa Basilan lagot kay Gen. Bato!

TALAGA naman! Kapag may bagong utos, may bagong suhol rin.

Nakarating na kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, na may police commander na kumita nang halos kalahating milyong piso mula sa lespu na ayaw magpatapon sa Basilan.

Pulis-Maynila daw po ang nanuhol.

Grabe, ang daming pera ng pulis-Maynila na ‘yan!

Kaya naman pala ang mga naunang naipatapon ‘e ‘yung very minor ang violations.

Ang banta ni DG Bato, babaliin daw niya ang leeg ng commander na ‘yan.

Wala talagang kadala-dala ang mga scalawag na ‘yan.

Hindi pa nga lubos na napapanagot ang mga lespu na sakot sa pagpaslang sa isang Korean businessman, ‘e heto na naman ang isa pang eskandalo?!

090616 bato dela rosa PNP

Sonabagan!

Wala nang buhok si DG Bato, ano pa ba ang gusto ninyong malagas sa kanya dahil sa kunsumisyon?!

Pero gusto po natin makita kung paano papanagutin ni DG Bato ‘yang police commander na ‘yan.

“Mananagot ‘yang commander. Siya mismo ang ipapadala, hindi sa Basilan kundi doon sa Timbuktu. Doon ko ipapadala ‘yang commander na ‘yan, hindi sa Basilan,” ani Dela Rosa.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albyalde, hindi sila papayag na mangyari ang ganyan sa ilalim ng liderato ni DG Dela Rosa sa PNP at siya sa NCRPO.

Nabatid din na ang pulis na nagbigay ng P500,000 ay operator ng illegal gambling.

Umaabot sa 300 pulis na nahaharap sa criminal and administrative charges ang ipinatatapon sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi sa utos ni Pangulong Duterte habag tuloy ang internal cleansing sa PNP.

Pero sa 300 pulis, 53 lamang ang naipadala sa nasabing assignment…

Saan napunta ang 247 pulis?

Alam na kaya ni DG Bato kung saan napunta ‘yang 247 pulis na ‘yan?!

Pakisagot na lang po!

EDAD NG SENIOR CITIZEN
IPINATATAAS NI SENATOR
RISA HONTIVEROS?

adult helping senior in hospital

AMAZING na naman ang naisip ni Senator Risa Hontiveros…

Pinatataasan niya ang edad ng senior citizen hanggang 65-years old.

Wow ha!

Sa kasalukuyan 60-years of age ang kailangan abutin ng isang indibidwal bago siya kilalaning senior citizen. Ibig sabihin niyan, mayroon na siyang 20 percent discount.

Ang siste, marami nang freebies ang hindi nagagamit ng senior citizens kasi ‘yung iba hindi na nila kayang gawin gaya ng pagbibiyahe, araw-araw, hotels, cinema, etc.

In short, hindi na nai-enjoy ng mga senior citizen. Kaya nga marami ang humihiling na gawin na lang daw 55-years old ang senior citizen para maagang ma-enjoy.

Oo nga naman!

E bakit itong si pro-virus ‘este Hontiveros gustong dagdagan pa ang edad ng Senior Citizen?!

Wattafak!

Imbes makatulong sa pagpapagaan ng kalagayan ng mga senior citizen, aba ‘e pinahihirapan pa nitong si Senadora Hontiveros!

Ano ba talaga, Senadora Risa?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *