Wednesday , October 4 2023

Dapat ibulgar, bgy. captains na sangkot sa droga

Dragon LadyHINDI na da-pat  itago kaya dapat ibulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga pangalan ng may 5 libong kapitan ng barangay na sangkot sa ilegal na droga, upang malaman mismo ng mga nagtiwalang constituents na ang kanilang kapitan ng barangay ay hindi magandang ehemplo sa kanilang lugar, na imbes magbigay ng proteksiyon ay isa palang masamang impluwensiya partikular sa mga kabataan.

Kung ang mismong namumuno sa isang lugar ay sangkot sa ilegal na droga, ano ang magandang idudulot nito sa kanyang lugar? Posible na mas lumaki ang populasyon ng gumagamit ng ilegal na droga!

MANILA CITY JAIL WARDEN, DAPAT ALISIN

Kung inyong magugunita, ng may sumabog na granada sa Parañaque City jail, na sampung preso ang namatay. Si Col. Bantag ang warden, na kasalukuyang may kasong administratibo. Kagulat-gulat na nailipat sa mas magandang puwesto, bilang jail warden ng Manila City Jail

***

Sariwa pa ang mga pangyayari sa Parañaque City jail, kaya naman kabado ang mga preso ng Manila City jail, partikular ang inmates na may kaso sa ilegal na droga. Pakiramdam nila ay may masamang mangyayari sa kanila, dahil inihihiwalay ang mga may kasong ilegal na droga at pagsasama-samahin. Nangangamba ang mga preso ng Manila City Jail  dahil ang mga inmate ng Parañaque City jail na namatay sa pagsabog ng granada sa mismong tanggapan ni Col. Bantag ay pawang may kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

***

Hiling ng mga preso sa Manila City jail, PA-LITAN SI WARDEN” na dapat lang! Ibang kalse ang lakas sa itaas nitong si Col. Bantag, hindi kaya miyembro siya ng Davao Squad? O miyembro ng riding -in-tandem, o kaya ay vigilante group?

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Chicken food chain tambayan ng salisi gang

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata DATI nang modus operandi ang laglag-barya gang, ikaw na …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Zamboanga City Jail, kauna-unahang BJMP Gray Dove Awardee

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINARANGALANG Best Jail Facility nitong 21 Setyembre 2023 ang Zamboanga City Jail-Male …

Sipat Mat Vicencio

 ‘Wag n’yong ‘paikutin’ si Digong

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ng mga tusong politikong gustong gamitin at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Tsokolateng dollar bills

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NA-HULICAM sa umano’y paglunok ng dollar bills na nagmula …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *